May 27, 2011 | 3:00 PM
Inenganyo ng pamahalaan ang mga pinoy na mag-display ng watawat ng Pilipinas sa kanilang bahay, paaralan, government offices at mga gusali mula May 28 hanggang June 12 para sa pagdiriwang ng National Flag Day.
Kaalinsabay din ng pagdiriwang na ito ang ika isang daan at labing tatlong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa June 12 kung kalian unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas ni Gen. Emilio Aguinaldo noong 1898 sa Teatro Caviteño.
Naglabas na ng direktiba si DILG Secretary Jesse Robredo sa lahat ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng mga aktibidades gaya ng sabayang pagpapatunog ng kampana o sirena, at pagsasagawa ng flag raising ceremonies.
Ito ay bilang pagsunod sa Section 26 ng Republic Act Number 8491 o The Flag and Heraldic...