August 3, 2011 | 5:00 PM
Nagbitiw na sa pagiging senador si Sen. Juan Miguel Zubiri.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Zubiri na siya at ang kanyang pamilya ay labis na nasaktan sa alegasyon ng dayaan at trial by publicity na ibinabato ng kanyang kalaban.
Sa harap na rin ito ng election protest ni Atty. Aquilino "Koko" Pimentel III na nakabinbin pa rin sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng 2007 senatorial election kung saan pang-12 si Zubiri at mas mataas lang ng 21,000 boto kay Pimentel.
Nanindigan si Zubiri na hindi siya nandaya o kumausap ng sinuman upang mandaya para manalo sa halalan.
Nag-resign aniya siya bilang halal na senador ng Republika ng Pilipinas hindi dahil napapagod na sa kontrobersya o para iwasan ang desisyon ng SET sa election protest na handa...