October 5, 2011
Bumisita na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa ilang lalawigan sa Central Luzon na hanggang ngayo'y binabaha kasunod ng pananalasa ng mga Bagyong Pedring at Quiel.
Unang pinuntahan ng Pangulo ang Tarlac kasama sina Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, Tarlac Governor Victor Yap at La Paz Mayor Michael Manuel at personal na tiningnan ang laki ng tubig sa Rio Chico na nasa boundary na ng Nueva Ecija.
Mula sa Rio Chico, nagtungo ang Pangulo sa town plaza ng La Paz plaza kung saan siya sinalubong ng mahigit 300 pamilyang kasamang inilikas matapos tumaas ang tubig baha sa limang barangay doon.
Tinatayang nasa 300,000 milyong pisong halaga ng palayan ang napinsala sa La Paz, hindi pa kasama ang palaisdaan at hayupan.
Mula Tarlac,...