Monday, July 4

Hoax about 5 Fridays, 5 Saturdays, and 5 Sundays in July 2011

Detailed Analysis This silly piece of nonsense circulates via email and social networking websites and is now in its third incarnation. The message imparts the "interesting" fact that July 2011 will have 5 Fridays, 5 Saturdays and 5 Sundays. It claims that such a combination of days only occurs once every 823 years. It also claims that those who forward the message to their friends will receive money within four days. It is perfectly true that July 2011 will have 5 Fridays, 5 Saturdays and 5 Sundays. However, the claim that such an occurrence for July only happens once every 823 years is nonsense. In fact such combinations occur in the month of July every few years. As the following calendar shows, the next time a July has 5 Fridays,...

Roxas, nanumpa na bilang bagong kalihim ng DOTC

 July 4, 2011 | 5:00 PM Pormal nang nanumpa sa tungkulin si dating Senador Mar Roxas bilang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC). Mismong si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang nagpanumpa sa tungkulin kay Roxas sa isang maikling seremonya sa Malakanyang, kasama ang iba pang mga bagong-talagang opisyal mula sa ibang departamento. Kasama ni Roxas sa kaniyang oathtaking ang asawang si Korina Sanchez, inang si Judy Araneta-Roxas at anak na si Paolo. Tiniyak naman ng bagong kalihim na agad niyang pupulungin sa loob ng linggong ito ang mga ahensya sa ilalim ng DOTC para malaman ang sitwasyon at problema ng mga ito. Magsasagawa aniya siya ng assessment kung maayos na nakapaghahatid ng serbisyo-publiko ang bawat ahensya at isasapinal ang...

FDA, nakikipag-ugnayan na sa mga LGU kaugnay ng mga ibinebentang toyo na walang label

 July 4, 2011 | 3:00 PM Nakikipag-ugnayan na ang Food and Drugs Administration sa mga local government unit upang mahigpit na i-monitor ang mga ibinebentang toyo sa kanilang lugar lalo na ang mga walang tatak. Sa harap na rin ito ng babala ng FDA na may mga toyong nagtataglay ng kemikal na 3-monochloropropane-1,2-diol o 3-MCPD na nakakapagdulot ng cancer. Sa isang panayam, sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong, na ang mga lokal na pamahalaan mismo ang makasusuri kung saan galing ang mga ibinebentang toyo lalo't iginigiit ng ibang tindera na ito ay sa Pilipinas lang din gawa. Nilinaw din ng opisyal na hindi lang mga toyo na galing sa China na walang tatak ang kanilang ibinababala na posibleng nagtataglay ng nakakakanser na kemikal, kundi kahit anong produkto mula...

Philippine Azkals wagi vs Sri Lanka Brave Reds, 4-0

July 4, 2011 | 12:00 NN Binati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang Philippine Azkals sa kanilang tagumpay laban sa Sri Lanka Brave Reds sa ikalawang leg ng unang round ng kanilang World Cup qualifier match. Aniya, patuloy sana silang maging inspirasyon para sa kabataan na hangarin ang teamwork at sportsmanship. Ipinahayag din ng pangulo ang hangarin nitong tagumpay sa pagharap naman nila sa Kuwait. Inilampaso kahapon ng Azkals ang koponan ng Sri Lanka Brave Red. Tinapos ng Azkals sa score na 4-0 ang second leg ng laban nito kontra Sri Lanka para masungkit ang panalo sa aggregate score na 5-1. Umiskor ng dalawang puntos para sa Azkals si Phil Younghusband habang nakapuntos ng tig-isang goal sina Chieffy Caligdong at Angel Guirado. Una nang nauwi sa draw, 1-1, ang unang paghaharap...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons