Friday, July 1

DOLE, wala pang notice kaugnay sa balitang ititigil na ng Saudi Arabia ang pag-iisyu ng work permit sa mga DH

July 1, 2011 | 5:00 PM Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pa itong natatanggap na official communication o notice mula sa pamahalaan ng Saudi Arabia kaugnay ng plano nitong paghinto simula bukas ng pag-iisyu ng work permit sa mga domestic helper mula sa Pilipinas.  Sa isang panayan, inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tanging Arab News lamang ang naging source ng ilang media tungkol sa naturang balita. Inatasan na aniya niya ang supervising labor attache sa Middle East na nakabase sa Qatar na tulungan ang labor attache ng bansa sa Riyadh para magkaroon ng informal meeting sa mga opisyal ng pamahalaang Saudi. Nais rin nilang magsagawa rin ng konsultasyon sa mga employer, recruitment agencies at Filipino community doon. Sa pagkakaalam...

Bilang ng mga nagugutom na Pinoy, bumaba –SWS survey

July 1, 2011 | 3:00 PM BUMABA ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations. Sa resulta ng June 3-6 poll, lumalabas na mula sa 20.5% o kabuuang 4.1 milyong pamilya na nagugutom noong Marso, bahagya itong nabawasan ng 5.4 points. Nabatid na malaking bilang ng hunger rates ay mula sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon. Ayon pa sa SWS, ito ang unang pagkakataon simula noong December 2004 na naging single-digit level ang bilang ng mga nagugutom. Ikinatuwa naman ng Department of Social Welfare and Development ang nasabing report. Ayon kay DSWD Usec. Celia Yangco, ang nasabing datos ay nagpapakita lamang na tumatalab ang poverty reduction and hunger mitigation programs ng pamahalaan dahil na rin sa pakikipagtulungan...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons