September 23, 2011 | 12:00 NN
TARGET ngayon ng Department of Labor and Employment (dole) ang mga estudyante ng high school sa buong bansa para sa mas epektibong pagpili ng kursong magdudulot ng "tamang trabaho" para sa kanila.
Ayon kay Labor Undersecretary Danilo Cruz – sa pamamagitan ng isasagawa nilang career at employment guide counselling para sa mga mag-aaral ng 3rd at 4th year sa high school - matutugunan na ang problema sa job-skill mismatch o underemployment.
Sinabi pa ni Cruz – sa tulong ng tamang career coaching, mas epektibong mapipili ng mga estudyante ang kursong kukunin sa kolehiyo na pinaka-akma sa kanilang interes at kakayahan.
Sa pamamagitan ng naturang serbisyo, mas mapupunan din ang mga trabahong higit na 'in-demand' sa mga susunod na taon...