July 23, 2011 | 3:00 PM
Bilang paglulunsad ng Citizen's Consultative Forum, nagsagawa ang naturang people's organization ng Climate Change Forum kaninang umaga sa National Irrigation Administration Conference Room sa Lungsod ng Cabnatuan.
Ang Climate Change Forum na may temang "Nove Ecijano, Handa Ka Na Ba sa Climate Change?" ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan, NGOs gaya ng Rotary Club, religious groups, grupo ng mga magsasaka, media, Nueva Ecija University of Science and Technology Student Council at Central Luzon State University Supreme Student Council.
Panauhing tagapagsalita si Dr. Reymundo Sarmiento ng PSEDO na kumatawan kay Governor Aurelio Umali.
Ipinagmalaki ni Dr. Sarmiento ang kahandaan ng lalawigan ng Nueva Ecija sa mga sakunang hatid ng pagbabago...