Thursday, August 25

Bagyong Mina, isa nang typhoon at nagbabanta sa Northern Luzon

August 18, 2011 | 3:00 PM Lalo pang lumakas at isa nang typhoon ang Bagyong Mina habang nagbabanta sa Hilagang Luzon. Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 310 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras. Tinataya itong nasa 220 kilometro Hilagang Silangan ng Casiguran, Aurora bukas ng umaga. Nakataas na ang babala ng bagyo bilang isa sa Northern Aurora, Isabela at Cagayan. Patuloy namang hihigupin ng Bagyong Mina ang hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon at Visayas lalo na sa Kanlurang bahagi...

UNICEF hanga sa Child Friendly advacacies ng Cabanatuan: Agapito naging tagapagsalita

August 25, 2011 | 5:00 PM Hinahangan ng United Nations Children's Fund o UNICEF, gayundin ng lahat ng delegado sa Second Forum on Children in the Urban Environment ang Children's Code ng Cabanatuan City at ang implementasyon nito sa ilalim ng administrasyong Vergara. Ginanap ang nasabing forum kahapon, sa Ateneo De Manila University, Quezon City sa harap ng mga kinatawan ng DILG, DSWD, LGUs, NGOs, at youth groups. Bilang pangunahing author ng Children's Code at pakikipag-uganayan sa CSWDO, ang child rights advocate at dating City Councilor Raqueliza Agapito ang naglahad ng mga programa at proyekto para mapanatili ang Child Friendly City status ng Cabanatuan. Ibinahagi ni Agapito ang ginagawa ng lungsod upang maprotektahan ang kabataan sa masasamang impluwensiya at matuon ang atensyon...

Pinoy na iniulat na dinukot sa Libya, ninakawan ng armadong grupo

August 25, 2011 | 12:00 NN Ligtas na sa kapahamakan ang Overseas Filipino Worker (OFW) na iniulat na dinukot sa Tripoli, Libya. Nagkausap na sina Edwin Daproza, maintenance supervisor sa First British Engineering Company at misis nitong si Sulita na nasa Nueva Ecija. Ikinuwento ni Daproza sa asawa ang naranasan sa kamay ng mga armadong Libyan na pumasok sa kanilang kampo. Tinutukan aniya ng baril ang lahat ng nasa kampo kaya wala silang nagawa kundi manood na lang habang ninanakaw ang kanilang mga gamit. Sinabi ni Daproza na natangay sa kanya ang $1,000 cash, 50 dinar at ang kanyang cellphone kaya hindi siya makontak ng mga kamag-anak. Pero pinayagan aniya silang makaalis sa compound kaya hindi totoong dinukot siya. Sa kabila naman ng naranasan, wala pa ring balak bumalik sa...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons