July 8, 2011 | 12:00 NN
Kasalukuyan nang naghahanda ang Department of Trade and Industry Nueva Ecija Provincial Office para sa pagtulak ng Diskwento Caravan na magaganap maghapon bukas sa Freedom Park, Cabanatuan City.
May 35 exhibitors ang inaasahang makikiisa sa Diskwento Caravan. Magbibigay din ng libreng gupit at masahe ang Provincial Manpower Training Center. Nakahanda naman ang DTI NERBAC Team na tulungan ang mga negosyante sa kanilang pangangailangan gaya ng pagproseo ng DTI Permit, SSS, at iba pa.
Layunin ng Diskwento Caravan na maihatid sa mga consumers ang de-kalidad na produkto na kanilang mabibili sa mas murang halaga tulad ng gamot, tinapay, canned goods, processed meat products, detergents, tsinelas at marami pang...