July 1, 2011 | 12:00 NNPASADO ang mga markang ibinigay ng mga senador para unang taon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pwesto pero binigyang-diin ng mga ito na marami pang dapat i-improved para sa mga darating pang taon ng kanyang pamumuno sa bansa.Seven out of ten ang ibinigay na grado ni Senator Gringo Honasan kay P-Noy pero iginiit nito na kailangan ng improvement ang Communication Team nito upang higit pang maihatid sa taong-bayan ang mga aksyon ng gobyerno para matugunan ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan.Bukod dito, dapat rin anyang pagbutihin at pagtuunan ng gobyernong Aquino ang pambansang seguridad, foreign policy at national at economic development.88% naman ang pasadong grado na ibinigay ni Senator Ralph Recto kay P-Noy pero mariin ang payo nito na kailangang pag-ibayuhin...