Wednesday, June 8

Roxas, walang nakikitang problema sakali mang makatrabaho si VP Binay

June 8, 2011 | 12:00 PM

Walang nakikitang problema si dating Sen. Mar Roxas sakaling makatrabaho nito si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Roxas, pareho naman silang public servant kung kaya’t wala naman siguro silang magiging problema sa hinaharap.


Iginiit pa ni Roxas na kahit paano ay pinalaki siya ng kanyang magulang na maging sibilisado at tinuruan din kung paano makisama sa ibang tao.


Matatandaang tinalo ni Binay si Roxas sa vice presidential race noong 2010 elections at may nakabinbing protesta pa ang dating mambabatas hinggil dito.


Pamumunuan ni Roxas ang Department of Transportation and Communications simula sa July 1.

www.rmn.com.ph

Weather Bulletin as of 2AM, June 8, 2011

Tuesday, June 7

Aquino , itinalaga si Roxas bilang bagong DOTC chief


June 7, 2011

Department of Transportation and Communications. Yan ang kagawarang hahawakan ng natalong kandidato sa pagka bise presidente na si Mar Roxas.

Sa press briefing ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III kanina, kinumpirma nya na ang dating running mate na si Roxas ang kanyang ipapalit kay outgoing Sec. Jose “Ping” De Jesus na nag file ng resignation noong nakaraang linggo at epektibo sa June 30, 2011.

Bukod sa pagiging DOTC Secretary, pangungunahan din ni Roxas ang Economic Cluster, na may katungkulan na ipaabot sa karaniwang tao ang nararanasang paglago ng ekonomiya.

www.inquirer.net (translations by BiG SOUND fm and DZXO am Newsteam)

Mga estudyante sa kindergarten ngayong school year, umabot ng halos 2-M | Fil-Chinese Group, nagdonate ng 454 classroom buildings


June 7, 2011 | 12:00

Umaabot sa halos dalawang milyong kindergarten pupils ang naitala ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa sa pagsisimula ng pasukan ngayong araw.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na ito ay bunsod ng pinaigting na kampanya ng kagawaran na hikayatin ang mga magulang na ipatala ang kanilang mga anak sa mga public school sa ilalim ng Universal Kindergarten Program.

Samantala…

Kasabay sa pagbubukas ng klase kahapon, nangako ng 454 units ng two-classroom school buildings ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry o FFCCCI sa gobyerno.
 
Nagkaroon na ng symbolic turnover ng 454 scale model ang nasabing Filipino-Chinese Group kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kasabay ng oath-taking ceremony ng mga opisyal ng grupo sa Malacañang.
 
Sinabi ng mga opisyal ng FFCCCI na isasagawa ito sa susunod na dalawang taon.
 
Mula 1960, nakapag-donate na ang grupo ng mahigit 4,000 units ng school buildings na katumbas ng mahigit  8,000 silid-aralan sa buong bansa.

www.dzmm.com.ph

Friday, June 3

LPG, muling nagroll back; NBA finals, 1-1


June 3, 2011 | 12:00 NN

Simula kaninang alas-dose ng hatinggabi muli na namang nagbawas ng presyo ang LPG Marketers Association LPGMA sa kanilang mga produkto.

Piso kada kilo o katumbas ng onse pesos kada isang tangke ang tinapyas ng LPGMA.

Sinabi pa ni Ty na kahit kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay makaka-asa naman ang publiko na masusundan pa ang ipinatupad nilang rollback.

www.rmn.com.ph


Samantala, sa NBA…

All one na ang series score sa NBA Finals matapos magwagi ang Dallas Maverick sa katatapos na Game 2.

Hindi man akalain ng marami na makakahabol pa ang Dallas laban sa Heat, nakaungos pa rin ang itinuring na underdog sa score na 95-93.

BiG SOUND and DZXO Newsteam
www.espn.com

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons