Thursday, June 9

Pagasa: LPA, nasa bansa pa rin


June 9, 2011 | 12:00 NN



Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Luzon habang ang binabantayang low pressure area ay patuloy na nananatili sa bansa.
Sa kanilang weather forecast, sinabi ng Pagasa na ang naturang low pressure area ay namataan pitumpung kilometro timog silangan ng Iba, Zambales. Ito ay nakapaloob sa intertropical convergence zone at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Agri-tourism, ipinapanukala para lumakas ang industriya ng turismo sa Pilipinas


June 9, 2011 | 12:00 NN

IPINAPANUKALA ngayon sa Department of Tourism ang pag-angkop sa bagong “tourism product” na tinatawag na “agri-tourism.”

Pinangunahan ni A-Linx Events International Incorporated, President Kenneth Dong ang proposal na kanyang iprinisenta sa mga kinatawan ng DOT at ng Department of Agriculture para sa operasyong nito.

Sa ilalim aniya nito, gagawing atraksyon ang farming communities kung saan maaring makibahagi sa aktibidad ang mga foreign tourist.

Kaugnay nito, ang mga food products ng mga probinsya ay dapat aniya ibida ng toursim department kasama na ang mayamang kultura ng mga ito na tiyak na magpapa-engganyo sa mga dayuhan na bisitahin ang Pilipinas.

Naniniwala ang nasabing opisyal na hindi dapat limitado lamang ang turismo sa bansa sa pagsusulong ng mga nag-gagandahang karagatan, historical sites at iba pang urban destination.

www.rmn.com.ph

Wednesday, June 8

NBA Finals: Dallas, tumabla sa Miami 2-2


June 8, 2011 | 12:00 PM

Muling tumabla ang Dallas Mavericks sa Miami Heat sa series ng NBA Finals, all two.

Natapos ang Game 4 sa score na 86-83, pabor sa Mavericks.

LPA, dahilan ng pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon, Visayas


June 8, 2011 | 12:00 PM

Nasa bansa pa rin ang Low Pressure Area na patuloy na binabantayan ng PAGASA. Huli itong namataan sa may tatlumpung kilometro, hilagang bahagi ng Calapan, Oriental Mindoro. Nakapaloob ito sa umiiral na Intertropical Convergence Zone.

Ito ang dahilan ng nararanasang pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons