Thursday, September 1

Department of Toursim, may bago nang kalihim

September 1, 2011 | 12:00 NN

MAY bago nang kalihim ang Department of Tourism (DoT).


Pinangalanan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang papalit kay dating Tourism Sec. Alberto Lim kasunod ng huling araw nito kahapon sa ahensya.

Si Ramon Jimenez na isang advertising expert ang napili ni P-Noy.

Ayon kay Pangulong Aquino, magkikita sila ni Jimenez sa susunod na linggo pagkatapos ng kanyang state visit sa China.

Samantala hindi pa rin naman pinangalanan ng pangulo, kung sino ang papalit kay Commissioner Angelito Alvarez sa Bureau of Customs (BoC).

www.rmnnews.com

Wednesday, August 31

26, patay kay Mina

August 31, 2011 | 5:00 PM

26 na ang patay sa Bagyong Mina.
 
Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Dir. Benito Ramos, huling nadagdag sa bilang ang nakitang bangkay sa Abra, habang anim ang nawawala matapos na matagpuan ang 23-mangingisda sa karagatang sakop ng Infanta, Pangasinan.

Nadadaanan na rin aniya ang mga kalsada na naapektuhan ng bagyo maliban na lamang sa Camp 2 sa Kennon Road.

Kasabay nito, nagbabala naman si Ramos sa mga residente malapit sa Agno River sa Pangasinan na maging alerto sa posibilidad na pag-apaw nito dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Tinatayang nasa P1.1 billion naman ang halaga ng pinsala ng Bagyong Mina habang mahigit 8, 000 pamilya naman ang patuloy na tinutulungan ng gobyerno sa loob at labas ng evacuation centers.

Biglaan at malakas na ulan, asahan

August 31, 2011 | 5:00 PM

PATULOY na mararanasan ang biglaan at malakas na ulan.

Ayon kay PAGASA, Supervising Undersecretary Graciano Yumul, Hanging Habagat ang dahilan nang nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kabilang sa inulan nang malakas ngayong araw na ito ang National Capital Region (NCR) at kanlurang bahagi ng Zambales at Pangasinan.

Batay sa datos ng PAGASA malakas ang ibinuhos na ulan ng Habagat na tatagal pa ang pananalasa sa Pilipinas hanggang sa Setyembre.

Unang Sigaw ng Nueva Ecija: Mobile E-Passport Serbilis

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-115 anibersary ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Mobile E-Passport Serbilis. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs.

Kailangan lamang na tumungo ang mga nais makakuha ng e-passport sa September 2, 2011 araw ng Biyernes, sa New Capitol Building, Palayan City. Magdala lamang ng NSO issued birth certificate.

Ang releasing ng mga e-passport ay magaganap sa November 12, 2011 sa NE Pacific Mall.

Samantala, magaganap naman bukas ang koronasyon ng Binibining Nueva Ecija 2011 sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City. Inaasahang magtatagisan ng ganda at talino ang may 16 na kandidata mula sa iba't ibang bayan ng Nueva Ecija.

DBM, naglabas na ng pondo para sa DPWH

August 31, 2011 | 3:00 PM

AABOT sa P3.78 billion ang inilabas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
 
Ayon kay DBM Sec. Florencio Abad, ang nasabing pera ay hindi pa kasama sa 2011 National Budget dahil kinuha ito sa naipong pondo mula sa 2010 budget.

Ito rin resulta aniya ng "zero-based budgeting" na pinasimulan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa nasabing pondo, P968 million ay para sa rehabilitasyon at pagpapasemento ng mga kalsada, P2.5 billion sa road widening, rehabilitasyon at konstruksyon ng mga tulay habang P312 million naman paras sa flood control projects sa bansa.

www.rmnnews.com

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons