Monday, October 3

DA, tutulong sa mga magsasakang apektado ng bagyo

October 3, 2011 | 12:00 NN

TULONG sa mga magsasaka, ibibigay ng Department of Agriculture (da).


Ayon kay Agriculture Sec. Proseso Alacala, bilang ayuda sa mga magsasaka, magbibigay ang da ng mga bagong pananim sa mga nasalanta ng bagyo.

Bukod rito, sinisikap din ng Agriculture Department na maisama ang lahat ng mga magsasaka sa crops insurance.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Alcala na may sapat pang bigas para suplayan sa bansa hanggang sa katapusan ng taon sa kabila ng pagnanalasa ng Bagyo Pedring at Quiel sa sektor ng agrikultura.

www.rmnnews.com

Thursday, September 29

Bagyong Quiel, lumakas pa; posibleng tumbukin ang Cagayan-Batanes area

September 29, 2011 | 3:00 PM

Bahagyang lumakas ang Bagyong Quiel habang patuloy na kumikilos pa-Kanluran.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo sa layong 1,150 kilometro sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas na hanging umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 140 kilometro bawat oras.

Tinatayang kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Una nang sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PAGASA Officer-in-Charge Graciano Yumul na posibleng mas malakas pa sa Bagyong Pedring ang Bagyong Quiel.

Inaasahan aniyang lalakas patungong typhoon category ang bagyo pagdating ng Linggo.

Tinataya namang tutumbukin nito ang Cagayan-Batanes area at posibleng tumama sa kalupaan sa Sabado o Linggo.

www.dzmm.com.ph

Cabiao, humingi ng tulong sa nat'l gov't para sa mga magsasaka



Tinawagang pansin ng alkalde ng Cabiao, Nueva Ecija ang national government bigyan ng assistance ang mga  apektadong magsasaka sa naturang bayan na lubos na pininsala ni bagyong Pedring.

Ayon kay Mayor Baby Crespo-Congo, bagamat kailangan din nila ang mga tulong sa pamamagitan ng relief goods, kailangan pa rin aniyang iprayoridad ng pamahalaang nasyonal ang muling pagbangon ng mga naapektuhang magsasaka. 

Aniya, 70% ang pinsala sa kanilang bayan ay sa sector ng agrikultura.

Marami aniya sa mga magsasaka ang sana’y aani na ng kanilang tanim na palay at gulay sa susunod na lingo subalit nawala ang lahat ng kanilang pinagpaguran at utang na puhunan dahil lamang sa isang araw na pananalasa ni Pedring.

Sinabi rin ng alkalde ng halos walumpung porsyento ng Cabiao ang lubog sa baha.
Dagdag pa ni Mayor Congo, dalawang barangay pa ang isolated sa kanilang lugar – ito ang mga barangay Bagong Sikat at Santa Isabel.

Tuesday, September 27

Ilang lugar sa Nueva Ecija, baha na

September 27, 2011 | 12:00 NN

Patuloy na nananalasa ang Bagyong Pedring sa Nueva Ecija habang nakataas pa rin sa lugar na ito ang babala ng bagyo bilang tatlo.

Ayon sa Nueva Ecija Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, binabaha na ang ilang barangay sa Cabanatuan City partikular ang Barangay Communal at Calawagan.

Mataas na rin ang baha at hindi na rin madaanan ng anumang klase ng sasakyan ang Barangay Ligaya sa Gabaldon at Barangay Pinagbayanan sa Laur.

Hindi na rin madaanan ang kahabaan ng Pantabangan at Aurora dahil sa malakas na buhos ng ulan, pagguho ng mga bato at pagkatumba ng mga puno.

BiG SOUND fm and 1188 DZXO am

Monday, September 26

85 porsyentong rice supply ng bansa, napupunan na ng mga magsasaka

September 26, 2011 | 12:00 NN

Ipinagmalaki ng National Coordination for Rice and Corn (NCRC) na umaabot na sa 85 porsyento ng pangangailangan sa bigas ng bansa ang naisusuplay ng mga lokal na magsasaka.

Ayon kay NCRC Director Dante de Lima, kailangan na lamang ng dagdag edukasyon ng mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya kaugnay sa pagsasaka para magawa nilang maisuplay ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa bigas sa mga susunod na taon.

Sinabi naman ni Philippine Rice Research Institure (PRRI) Executive Director Eufemio Rasco na hiningi na nila ang tulong ng mga rice expert sa Korea para turuan ang mga magsasakang Pinoy sa paggamit ng teknolohiya upang mapataas ang ani ng palay.

www.dzmm.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons