Friday, July 1

DOLE, wala pang notice kaugnay sa balitang ititigil na ng Saudi Arabia ang pag-iisyu ng work permit sa mga DH


July 1, 2011 | 5:00 PM

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pa itong natatanggap na official communication o notice mula sa pamahalaan ng Saudi Arabia kaugnay ng plano nitong paghinto simula bukas ng pag-iisyu ng work permit sa mga domestic helper mula sa Pilipinas. 

Sa isang panayan, inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tanging Arab News lamang ang naging source ng ilang media tungkol sa naturang balita.

Inatasan na aniya niya ang supervising labor attache sa Middle East na nakabase sa Qatar na tulungan ang labor attache ng bansa sa Riyadh para magkaroon ng informal meeting sa mga opisyal ng pamahalaang Saudi. Nais rin nilang magsagawa rin ng konsultasyon sa mga employer, recruitment agencies at Filipino community doon.

Sa pagkakaalam ni Baldoz, tanging mga bagong hiring ang maaaring maapektuhan at hindi ang mga nagtatrabaho na sa Saudi dahil tatapusin pa rin ng mga ito ang kanilang kontrata.

Tiniyak naman ni Baldoz na may nakahandang programa ang gobyerno para sa mga domestic helper mula sa Saudi na uuwi ng Pilipinas.

Una nang napaulat na simula bukas, ititigil na ng Saudi ang pagbibigay ng work permit sa mga domestic worker mula sa Pilipinas at Indonesia dahil sa mga bagong guidelines na ipinalabas ng pamahalaang Pilipinas at Indonesia tungkol sa pagtatrabaho ng mga domestic worker sa Saudi.

Bilang ng mga nagugutom na Pinoy, bumaba –SWS survey

July 1, 2011 | 3:00 PM

BUMABA ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Sa resulta ng June 3-6 poll, lumalabas na mula sa 20.5% o kabuuang 4.1 milyong pamilya na nagugutom noong Marso, bahagya itong nabawasan ng 5.4 points.

Nabatid na malaking bilang ng hunger rates ay mula sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon pa sa SWS, ito ang unang pagkakataon simula noong December 2004 na naging single-digit level ang bilang ng mga nagugutom.

Ikinatuwa naman ng Department of Social Welfare and Development ang nasabing report.

Ayon kay DSWD Usec. Celia Yangco, ang nasabing datos ay nagpapakita lamang na tumatalab ang poverty reduction and hunger mitigation programs ng pamahalaan dahil na rin sa pakikipagtulungan ng ilang private sectors at civil society organizations sa bansa.

www.rmn.com.ph

Thursday, June 30

Unang taon ni PNoy, pasado sa ilang senador



July 1, 2011 | 12:00 NN
PASADO ang mga markang ibinigay ng mga senador para unang taon ni Pangulong Benigno Aquino III sa pwesto pero binigyang-diin ng mga ito na marami pang dapat i-improved para sa mga darating pang taon ng kanyang pamumuno sa bansa.
Seven out of ten ang ibinigay na grado ni Senator Gringo Honasan kay P-Noy pero iginiit nito na kailangan ng improvement ang Communication Team nito upang higit pang maihatid sa taong-bayan ang mga aksyon ng gobyerno para matugunan ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan.
Bukod dito, dapat rin anyang pagbutihin at pagtuunan ng gobyernong Aquino ang pambansang seguridad, foreign policy at national at economic development.
88% naman ang pasadong grado na ibinigay ni Senator Ralph Recto kay P-Noy pero mariin ang payo nito na kailangang pag-ibayuhin pa ang kanyang pamumuno sa ikalawa at mga susunod pang taon dahil inaasahan ng publiko ang lubos na katuparan ng kanyang mga ipinangako.
Sinabi pa ni Recto na mabuti ang tinatahak na tuwid na landas ng administrasyong Aquino pero dapat ay mas bilisan pa nito ang pagtahak sa nabanggit na landas sa mga susunod na taon.
Magugunitang si Senator Juan Miguel Zubiri ay nagbigay din ng 8 out of 10 na grado kay P-Noy na partikular na tumutukoy sa mga hakbang nito laban sa corruption.
Satisfied naman si Senator Edgardo Angara sa ulat sa bayan ni P-Noy kaya umaasa ito na mas maraming pang ipagyayabang ang pangulo sa kanyang bibigkasing State of the Nation Address (SONA) sa July 25.
Naniniwala si Angara na mapapabilang dito ang pababa ng deficit at inflation rate ng bansa at panunumbalik ng tiwala ng tao sa gobyerno.
Samantala, hindi pa sapat para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ang isang taon para husgahan niya ang panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Lacson, maghihintay sya ng isa pang taon para kilatisin ang administrasyong Aquino.
www.rmn.com.ph

Pangulong Aquino, ayaw bigyan ng grado ang sarili sa unang taon ng panunungkulan


June 30, 2011 | 3:00 PM

Ayaw bigyan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ng grado ang kanyang sarili sa unang taon ng kanIyang panunungkulan bilang pinuno ng bansa.

 
Sinabi ni Pangulong Aquino na ayaw niyang magbuhat ng sariling bangko ngunit ang malinaw aniya ay kakaiba ang reaksyon ng mamamayan sa kaniyang administrasyon kumpara sa nakalipas na administrasyon.

Noong nakaraan ay tila manhid na ang publiko sa mga nagaganap na kontrobersya dahil wala nang maaasahan.

Ang pinakamalaking achievement aniya ng kaniyang administrasyon ay ang transformation of attitude ng mga mamamayan kung saan mas marami na ang nakikialam ngayon para may magandang patunguhan ang kaniyang administrasyon.

Inihayag naman ng Pangulo na kuntento siyasa kaniyang mga cabinet officials sa unang taon ng kaniyang panunungkulan.

Mula aniya sa dating tatlong nagpapasakit ng kaniyang ulo ay isa na lamang ang nagdadala sa kaniya ng problema.

Dagdag ng Pangulo, kakausapin niya ang naturang cabinet official na ayaw niyang pangalanan at kung hindi ito magbabago ay bibigyan na lang niya ng ibang pwesto sa pamahalaan.


www.dzmm.com.ph

Wednesday, June 29

Webb, pinatunayang nasa ibang bansa siya nang maganap ang Vizconde massacre



June 29, 2011 | 3:00 PM

Sa press conference kanina, pinasinungalingan ni Hubert Webb ang sinasabi ng National Bureau of Investigation na nasa bansa siya nang maganap ang Vizconde Massacre. Bilang patunay, ipinakita ng kanyang ama na si Dating Senador Freddie Webb ang passport ni Hubert na may tatak ng Bureau of Immigration. Pinapakita rito na umalis ng bansa si Hubert noong June 1991. 


Matatandaang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na batay sa testimonya ng anim nilang bagong testigo sa kaso, at sa mga ebidensyang kanilang nakalap partikular sa magnetic reel tape ng Bureau of Immigration, lumilitaw na hindi lumabas ng bansa si Webb noong March 1991.

Narekober aniya rito ang listahan ng mga taong may apelyidong Webb na umalis ng bansa sa buong buwan ng Marso noong 1991, at hindi kasama si Hubert sa listahan, kundi isang Freddie.

Mayroon naman aniyang mga Webb na dumating noong October 1992 at dito kasama ang pangalan ni Hubert at ito ang kanilang tinitingnan.

Sa iprinisintang findings ng Task Force Vizconde sa press briefing ng National Bureau of Investigation (NBI), lumilitaw na si Webb, na una nang inabswelto ng Korte Suprema noong December 2010, ay nasa bansa noong panahon at pagkatapos na mangyari ang krimen, base na rin sa testimonya ng anim na bagong testigo.

Nilinaw naman ni Secretary De Lima na wala silang ebidensiya na si Hubert Webb at mga kasama ay nasa lugar ng pangyayari nang maganap ang krimen.


Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons