Tuesday, October 11

Oct 31, 2011 idineklarang Special Non-Working Day


Sa bisa ng Proclamation 265, idineklara na rin kahapon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang October 31 bilang special non-working day. Ito ay upang mabigyan ng mas mahabang panahon ang publiko na gunitain ang All Saints Day sa November 1… lalo na yung mga bibiyahe pa sa ibang probinsya.

Una nang indineklara ang November 1 bilang non working day noon pang nakaraang taon sa bisa naman ng Proclamation No. 84.

DOTC, kinalma ang publiko sa paglilipat ng NAIA sa Clark

KINALMA ng DOTC ang publiko sa paglilipat ng Ninoy Aquino International Airport sa Clark, Pampanga.


Sa interview ng DZXL kay DOTC Sec. Mar Roxas, hindi pa agad–agad na maipapatupad ang planong paglilipat sa NAIA dahil bibilangin pa ito ng tatlo hanggang limang taon.

Kasabay nito, malaki ang na-bebenipisyo ng publiko dahil mapupursigeng matapos ang North Rail Project upang mapaaga ng biyahe sa mga pasahero na araw-araw manggagaling ng Metro Manila.

Bukod rito, aabot din sa $2.5 bilyon ang kikitain ng pamahalaan sakaling matuloy ang paglilipat ng NAIA sa Clark.

www.rmnnews.com

Friday, October 7

Mas mabigat na parusa – hamon sa lalabag sa minimum wage

 October 7, 2011 | 5:00 PM

Mas mabigat na parusa ang kakaharapin ng mga employers na hindi tutupad sa itinakdang pagpapa-sweldo ng minimum wage.

Ito’y makaraang makalusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na magpapabigat sa parusa sa mga employers na hindi sumusunod sa minimum wage law.

Sa panukalang inihain nila San Juan Rep. Jv Ejercito, DIWA Party-List Rep. Emmiline Aglipay at Eastern Samar Rep. Ben Evardone -  pagmu-multahin ng 100-libong piso ang isang employer na hindi susunod sa minimum wage salary.

Dagdag pa dito ang moral damage na ibabayad sa empleyado na nagkakahalaga ng 30-thousand pesos.

 Babala ng mga mambabatas, seryoso ang pamahalaan sa pagpapataw ng parusa sa mga employers kaya’t mas mabuti kung susunod na sila ngayon pa lamang.

www.rmnnews.com

Typhoon drill sa bawat barangay, ipinanukala sa Senado

October 7, 2011

Hinikayat ni Senador Kiko Pangilinan ang mga local executives na magsagawa ng typhoon drill sa mga barangay bilang bahagi ng disaster preparedness.

Layon nitong maipaalam sa taumbayan ang kahalagahan ng evacuation at ang tamang proseso nito sa panahon ng kalamidad.

Kung mayroon aniyang earthquake drill, maiging magkaroon din ng typhoon drill dahil mahigit sa 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon.

Noong kasagsagan ng Bagyong Pedring, maraming local government units (LGU) at rescue workers ang nahirapang kumbinsihin ang mga residente sa mabababang lugar para mag-evacuate kung saan nagtalo pa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kailangan nang magsagawa ng forced evacuation.

Hiniling naman ni Senador Loren Legarda na tutukan nang husto ng Department of Health (DOH) ang health at sanitary conditions sa mga evacuation center. 

www.dzmm.com.ph

Wednesday, October 5

PNoy, bumisita na sa mga binabahang lugar sa Central Luzon


October 5, 2011

Bumisita na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa ilang lalawigan sa Central Luzon na hanggang ngayo'y binabaha kasunod ng pananalasa ng mga Bagyong Pedring at Quiel.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang Tarlac kasama sina Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, Tarlac Governor Victor Yap at La Paz Mayor Michael Manuel  at personal na tiningnan ang laki ng tubig sa Rio Chico na nasa boundary na ng Nueva Ecija.

Mula sa Rio Chico, nagtungo ang Pangulo sa town plaza ng La Paz plaza kung saan siya sinalubong ng mahigit 300 pamilyang kasamang inilikas matapos tumaas ang tubig baha sa limang barangay doon.

Tinatayang nasa 300,000 milyong pisong halaga ng palayan ang napinsala sa La Paz, hindi pa kasama ang palaisdaan at hayupan. 

Mula Tarlac, ininspeksyon ng Pangulo ang Mount Pinatubo project sa Barangay San Jose, San Fernando City sa Pampanga saka ito dumiretso sa Calumpit, Bulacan partikular sa Barangay Corazon.

Binigyang diin naman ng Pangulo na hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa gitna ng mga tumamang kalamidad.


Hinikayat niya ang lahat na manalangin upang makaiwas ang bansa sa mga sakuna at maging matatag sa anumang unos sa buhay.

www.dzmm.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons