Friday, March 16

YES Dancers, wagi sa Showtime!

Wagi sa inter town dance contest ng isang noon time show ang YES Dancers.

Ang YES Dancers ay binubuo ng humigit kumulang na isang daang mananayaw na pambato ng Cabanatuan. Sa pangunguna ng batikang Dekada All Stars, may siyam na iba pang grupo ang nagsanib upang maitayo ang bandila ng Cabanatuan sa national TV.

Mula sa remote broadcast sa City Hall, pinagunahan ni Mayor Jay Vergara ang pagpapakilala sa grupo kasabay ng kanyang pagmamalaki sa buong bansa sa Cabanatuan sa mga natatangi nitong mga produkto at bilang isang progresibong lungsod.



Wednesday, February 8

Carranglan, Nueva Ecija Mayor Restituto Abad, pumanaw na

Pumanaw na ang 54-anyos na alkalde ng Carranglan, Nueva Ecija na si Restituto Abad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem noong Sabado sa Barangay Saranay sa Bayan ng Guimba.

Ayon kay Sr. Insp. Herman Lising, hepe ng Carranglan Police, alas-12:15 ng hatinggabi nang bawian ng buhay si Abad.

Tama sa kilikili at balikat ang tinamo nito at naisugod pa sa Doctor's Hospital sa Nueva Ecija.

Nailipat pa ito sa St. Luke's Medical Center sa Global City sa Taguig, kung saan siya binawian ng buhay. 
Kasalukuyang nagpapagamot pa ang driver ng alkalde na si Satty Duclayan, na tinamaan din sa kanyang leeg at ulo .

Samantala, natimbog na noong Sabado ang isa sa mga suspek na kinilalang si Bernilo Pascual habang pinaghahanap pa ang kasama nitong gunman.

Pamumuno sa 7ID, pormal nang naipasa kay Luga

Pormal nang isinalin kaninang umaga ni Major Gen. Jose Mabanta, Jr. kay Brigadier Gen. Alan Luga ang responsibilidad bilang commander ng 7th Infantry Division.

Ginanap ang change of command ceremony sa Grandstand ng Fort Magsaysay sa Palayan City. Ang Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Emmanuel Bautista ang nagsilbing presideng officer sa nasabing change of command.

Itinalaga naman si Maj. Gen. Mabanta bilang pinuno ng 3rd Infantry Division sa Western Visayas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Jessie Dellosa, ang isinagawang pagtatalaga ay senyales ng masidhing adhikain ng militar na patatagin ang pamamahala at propesyonalismo sa kanilang hanay.

Aniya, ang bawat lugar sa bansa ay may pabago-bagong sitwasyong nangangailangan ng angkop at bagong pamamaraan ng pagtugon. 


Friday, January 20

AFP, no hold on Palparan

Retired Major General Jovito Palparan is no longer in the active military service. The AFP has no hold on him being a civilian, a press release said.

Meanwhile, the AFP has already facilitated the turnover of the two active personnel, namely Lt. Col. Felipe Anotado, Jr. and Staff Sgt. Osorio, to the authorities for proper disposition.

The report added that the AFP is a professional organization composed of disciplined and law abiding soldiers. It is not the policy of the AFP to coddle and provide safe harbor to any person wanted by law.

It says that they fully trust the justice system and believe in the due process of law. The AFP believes that retired Major Gen. Palparan should turn himself in and answer all allegations hurdled against him. It would be better for him to face the case and take the opportunity of proving that he is not guilty and that he is innocent.

Their unit commanders have disseminated the "lookout bulletin" handed down by Army headquarters; and our soldiers will inform proper authorities if they will spot Gen. Palparan in their duty assignments.

Thursday, January 19

Impeachment Trial - 1188 DZXO am live coverage


Live na mapapakinggan sa aming sister station, 1188 DZXO am ang Impeachment Trial kay Chief Justice Renato Corona simula alas-2 ng hapon. Mula sa Senado hanggang sa inyong radyo, ihahatid ng 1188 DZXO am ang mga pinakahuling kaganapan sa malaking bahaging ito ng ating kasaysayan.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons