Tuesday, July 19

Central payroll system sa mga empleyado ng pamahalaan, ipapatupad na sa susunod na taon

July 19, 2011 | 5:00 PN

Ipatutupad na ang central payroll system sa pamahalaan sa susunod na taon upang tuluyang masugpo ang katiwalian. 

Sinabi ni Budget Secretary Florencio Abad na uunahing ipatupad ang central payroll system sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pilot project sa pamamagitan ng procurement card sa halip na gumamit ng cash.

Sa ilalim ng central payroll system, hindi na daraan sa mga ahensya ng pamahalaan ang sweldo ng bawat empleyado sa halip, idedeposito na lang ng National Treasury ang sweldo sa bank accounts ng mga empleyado.

Tiniyak ni Abad na hindi na mauulit ang non-remittance sa Government Service Insurance System (GSIS) na umaabot sa P9 bilyon, dahilan upang hindi makautang ang mga guro sa bansa.

www.dzmm.com.ph

Rotary, nagsagawa ng Seminar Workshop for Teaching Science sa Cabanatuan

July 19, 2011 | 12:00 NN

Ginanap sa Department of Education Reg 3 Division of Cabanatuan City ang isang pagsasanay para sa pagtuturo ng Agham na inorganisa ng Rotary International District 3770, Philippines, Rotary Clubs of Nueva Ecija Area 6 at Area 7.

May 125 science teachers ang dumalo sa Seminar-Workshop for Teaching Science na karamihan ay mula sa Cabanatuan City. Ilang partisipante rin ang nagmula sa Gapan City, Peñaranda, at Aliaga.

Ang mga naging tagapagsalita sa pagsasanay na ito ay mula sa 5-member volunteer ng Vocational Training Team ng Rotary International District 5020, USA and Canada sa pangunguna ni Rotarian Glynn Currie. Kasama ni Rotarian Glynn ang mga Canadian science teacher na sina Colleen Devlin, Karin Farquhar, Shanon Foreman at ang Amerikanong si Nancy Mouat-Rich.

Ang serye ng Seminar-Workshop ay may layong madagdagan ang kaalaman ng mga guro sa ating lalawigan at mai-adopt ang mga epektibong pagtuturo ng agham na ginagawa sa bansang Amerika at Canada.

Ang Rotary International ay nagsimula ng kanilang bagong rotary year ngayong buwan sa temang "Reach Within To Embrace Humanity" kung saan ang District 3770 ay pinamumunuan ni District Governor Corina Bautista. Ang Area 6 ay pinangungunahan ni Assistant Governor Edsel Dominado at binubuo ng Rotary Clubs of Cabanatuan City, Cabanatuan East, at Cabanatuan West. Ang Area 7 ay pinangungunahan ni Assistant Governor Rey Diego at binubuo ng Rotary Clubs of Gapan at Peñaranda.

Ang Seminar Workshop for Teaching Science ay naisagawa ng Rotary sa pakikipagtulungan ng DepEd Division of Cabanatuan City sa pamumuno ni Division Schools Superintendent Malcolm Garma.

Samantala, gaganapin mamayang gabi ang Induction Ceremonies ng Rotary Club of Cabanatuan East sa pangunguna ni President Ian Dizon.

Percy Tabor
BiG SOUND and DZXO Newsteam

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons