Saturday, July 2

Depensa sa laro ng Team Azkals, hindi babaguhin sa ikalawang laban kontra Sri Lanka

July 2, 2011 | 5:00 PM

TINIYAK ngayon ng Philippine Footbal Team Azkals na magiging mahigpit pa rin ang kanilang depensa kontra sa Sri Lanka Red Braves sa gaganapin nilang laban bukas dito sa bansa.

Ayon kay Azkals Coach Hans Michael Weiss walang babaguhing stratehiya o depensa ang pambato ng Pilipinas.

Nabatid na kagabi ay sama-samang pinanood ng buong koponan ang naging laban nila noong Miyerkules upang mahapan ng stratehiya kung papaano tuluyang tatalunin ang Sri Lanka Team.

Samantala, masaya namang ibinalita ni Azkals Striker Phil Younghusband na makakapaglaro na siya matapos ang tinamong injury.

Nagkaroon ng pagkakataon ngayong araw ang Azkals na makapag-ensayo sa Rizal Stadium, kung saan gaganapin ang kanilang laro bukas laban sa Sri Lanka Team.

Magugunitang tabla ang unang naging laban ng dalawang koponon para sa 2014 World Cup Asia group play-offs noong Miyerkules na ginanap sa Colombo, Sri Lanka.

PAGASA, inabisuhan ang publiko kaugnay sa namataang low pressure area na posibleng maging ganap na bagyo sa Martes.

July 2, 2011 | 3:00 PM

INABISUHAN na ng Phil. Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko kaugnay sa namataang sama ng panahon sa bahagi ng Palau Island.

Ayon kay Dost-Pagasa Usec. Graciano Yumul - posible itong pumasok sa Philippine Area Of Responsibility sa Huwebes   at mabuo bilang isang bagyo.

Nabatid na halos parehong direksyon ang tatahakin ng nasabing low pressure area  sa nagdaang bagyong Egay at Falcon kung saan binaybay nito ang bahagi ng Mindanao, Samar, Leyte, Bicol region maging sa Hilagang Luzon.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring umiiral ang Intertropical Convergence Zone (Itcz) sa parte ng Visayas at Mindanao na siyang nagdudulot ng mga pag ulan.

Nabatid na tatlo hanggang apat na bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong buwan ng hulyo hanggang Setyembre.

www.rmn.com.ph

Opinyon ng mga ‘di taga-Davao City, di mahalaga kay Sara Duterte

Iginiit ng alkalde ng Davao City na si Sara Duterte na sa kanyang mga kababayan siya may obligasyong magpaliwanag kaugnay ng ginawa niyang pagsuntok sa isang court sheriff ng lungsod nitong Biyernes.

Pinanindigan ng alkalde na hindi mahalaga sa kanya ang opinyon ng mga taong hindi sangkot sa nangyaring kaguluhan.

Bagaman wala umanong "excuse" sa kanyang inasal, iginiit niya na ang kanyang pananagutan ay nasa kanyang mga kababayan sa lungsod.

Sa payo na rin umano ng kanyang abogado, magsusumite siya ng affidavit tungkol sa nangyari para sa anumang magiging imbestigasyon kasama ang gagawin ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Inamin naman ni Duterte – anak ni Rodrigo Duterte, dati ring mayor ng Davao City na matindi ang init ng kanyang ulo nang masuntok niya si Abe Andres, city sheriff ng Regional Trial Court.

Nagalit umano siya kay Andres dahil hindi umano pinagbigyan ng huli ang kanyang pakiusap na dalawang oras na palugid sa paghahain ng demolition order sa 200 bahay sa Barangay Monteverde.

www.gmanews.tv
 

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons