September 1, 2011 | 5:00 PM
Inilunsad ng Department of Education ang kampanyang humihimok sa mga Pilipino na magsabi ng thank you sa mga guro.
Bilang bahagi ito ng taunang selebrasyon ng Teacher's Month ngayong Setyembre at World Teacher's Day sa Oktubre 5.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na nararapat lamang ilaan ang buong buwan para kilalanin ang mga guro sa kanilang papel na hubugin ang mga estudyante, palakasin ang komunidad at bumuo ng isang bansa.
Kabilang dito ang pagsasabi ng thank you kung saan hinihimok ang mga estudyante na sumulat, magbigay ng card o regalo at mag-post sa anumang social networking site sa kanilang mga guro.
Hinihimok din ang mga paaralan na i-feature ang kanilang mga guro sa kanilang school paper, website o Facebook account maging sa mga pahayagan.
www.dzmm.com.ph