May 24, 2011 | 2011
Inilabas na ngayong araw ng Professional Regulation Commission ang resulta ng licensure examination para sa mga Certified Public Accountants na isinagawa ngayong buwan lamang sa Maynila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, at Legazpi.
Topnotcher sa pagsusulit na ito si Marvin Agamon Baldevia na mula sa Palo, Leyte at nagtapos sa St. Paul’s Business School. Si Baldevia ay nagtamo ng percentage score na 92.14 percent.
Ayon sa PRC, 5,259 ang kumuha ng CPA board exam subalit 2,130 lamang ang pumasa.
Manunumpa ang mga bagong CPA sa June 8 sa PICC.