October 7, 2011 | 5:00 PM
Mas mabigat na parusa ang kakaharapin ng mga employers na hindi tutupad sa itinakdang pagpapa-sweldo ng minimum wage.
Ito’y makaraang makalusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na magpapabigat sa parusa sa mga employers na hindi sumusunod sa minimum wage law.
Sa panukalang inihain nila San Juan Rep. Jv Ejercito, DIWA Party-List Rep. Emmiline Aglipay at Eastern Samar Rep. Ben Evardone - pagmu-multahin ng 100-libong piso ang isang employer na hindi susunod sa minimum wage salary.
Dagdag pa dito ang moral damage na ibabayad sa empleyado na nagkakahalaga ng 30-thousand pesos.
Babala ng mga mambabatas, seryoso ang pamahalaan sa pagpapataw ng parusa sa mga employers kaya’t mas mabuti kung susunod na sila ngayon pa lamang.
www.rmnnews.com