Saturday, July 30

DepEd: Panukalang ilipat ang pasukan ng Setyembre, patuloy pang pinag-aaralan


July 30, 2011

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal at patuloy pa ring pinag-aaralan ang panukalang ilipat sa Setyembre ang umpisa ng pasukan mula Hunyo. 

Sa isang panayan, inihayag ni Assistant Secretary Tonisito Umali ng Legal and Legislative Affairs ng DepEd na marami pa ring argumentong pinag-aaralan ukol dito.

Pero noon aniya ay may isinagawang nationwide survey kung saan lumitaw na tanging tatlong rehiyon lamang na kinabibilangan ng Region III, VI at IX ang pabor na ilipat ang pasukan sa Setyembre.

Pero karamihan aniya ng mga guro, mag-aaral, magulang at maging local government officials ay kontra na ilipat ang pasukan sa Setyembre.

Paliwanag ni Umali, sa 202 school calendar days sa isang taon ay 180 school learning days ang inoobliga ng DepEd sa mga paaralan na dapat bunuin at mayroong 22 buffer days kung saan kinukuha ang class suspension, kompetisyon at iba pang selebrasyon.

www.rmn.com.ph

Pilipinas, mag-e-export ng raw sugar sa ibang bansa

July 30, 2011

LALO pang pinapalaki ng Pilipinas ang pag-e-export nito ng raw sugar sa ilang bansa sa Asya.

Nabatid na kayang makapag export ng bansa ng mahigit sa dalawang daang toneladang raw sugar sa world market ngayong taon.

Ayon naman sa Sugar Regulatory Administration (SRA) - malaki ang posibilidad na  kumuha ng Japan ng tinatayang tatlumpu’t pitong libong tonelada ng asukal…  habang ang Indonesia naman ay aabot ng walong libo at limang daang tonelada ng nasabing produkto.

Batay sa talaan ng SRA, noong Setyembre ng 2010 hanggang Agosto ng 2011 ay umabot sa 2.2 milyong tonelada ang demand ng bansa sa asukal habang ang produksyon nito ay nasa 2.39 million tonelada.

 www.rmn.com.ph

Alay Lakad ng Cabanatuan, kasado na

July 30, 2011

Kasado na ang taunang Alay Lakad ng Cabanatuan City Government. Magaganap ang Alay Lakad sa September 24, araw ng Sabado.

Ang tema ng Alay Lakad para sa taong ito ay "Kaunlaran ng Kabanatuan, Pakinabang ng Kabataan."

Magsisimula ang lakad sa City Hall Compound at magtatapos sa Plaza Lucero kung saan magaganap ang isang programa. Sa pulong na ipinatawag ng Alay Lakad Executive Committee, napagkasunduan din na simulan ang Alay Lakad sa ganap na alas-5 ng madaling araw.

Muling pangungunahan ni G. Crisanto Carlos, Jr. ang executive committee at secretariat naman ang City Social Welfare Development Office sa pamumuno ni Gng. Helen Bagasao.

Layunin ng Alay Lakad na makakalap ng pondo na magagamit ng pamahalaang panlungsod para sa kapakanan ng mga out-of-school youth.

VP Binay, seryosong tututukan ang kampanya kontra droga

July 30, 2011 | 12:00 NN

TINIYAK ni Vice-President Jejomar Binay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na seryoso niyang tututukan ang kampanya kontra droga.
 
Ito ang inihayag ni Binay sa kanyang talumpati sa ika-siyam na anibersaryo ng PDEA kahapon, kung saan inihalimbawa nito ang masaklap na sinapit ng tatlong OFW sa China na binitay noong Marso dahil sa droga.

Isa sa mga highlight ang pagbibigay ng mahigit isang milyong pisong pabuya sa dalawang impormante ng PDEA na tumuldok sa operasyon ng isang medium-scale shabu laboratory sa Lipa, Batangas at  sa pagka-aresto ng tatlong Chinese drug dealers noong Pebrero.

Kasabay nito ang panawagan ni Binay sa mga pribadong indibidwal na makipagtulungan sa PDEA hinggil sa iligal na aktibidad sa kanilang komunidad.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons