June 11, 2011 | 3:00 PM
Bilang pagdiriwang ng ika-isang daan at labing tatlong taong anibersaryo ng Pamamahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, magkakaroon ng sabayang pagtataas ng watawat sa iba’t-ibang panig ng bansa bukas.
Ganap na alas-siyete ng umaga, sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III, itataas ang watawat ng Pilipinas sa Rizal, Monument, Rizal Park. Sasabay dito ang mga sumusunod na mga lugar:
Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Barasoain Church, Malolos, Bulacan
Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion, Manila North Cemetery
Gat Andres Bonifacio National Monument, Caloocan City
Pinaglabanan Memorial Shrine, San Juan City
Pamintuan Mansion, Angeles City
Sasabay din sa pagtataas ng bandila ang Cebu City at Davao City
Magsasagawa rin ng maghapong Independence Day Job Fair ang Department of Labor and Employment sa Rizal Park, Manila.
Magbibigay naman ng libreng serbisyo bukas ang LRT at MRT mula alas siyete hanggang alas nuebe ng umaga.
Ang National Historical Commission of the Philippines ang naatasang manguna sa mga programa at gawain para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Para sa kumpleting listahan ng program and activities, bumisita sa kanilang website: www.nhcp.gov.ph
BiG SOUND and DZXO Newsteam