September 15, 2011 | 5:00 PM
Nakakuha si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ng mataas na trust at approval ratings sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa kabila ng mga kinakaharap na problema ng bansa at mga pagbatikos sa kanyang administrasyon.
Sa survey noong Agosto 20 hanggang Setyembre 2, 77 percent approval rating ang nakuha ng Pangulo, mas mataas ng 6 percent mula sa survey noong Mayo.
75 percent naman ang kaniyang trust rating na 4 percent na mas mataas kaysa sa huling survey.
Pinakamataas na nakapuntos ang Pangulo sa Class E na nagbigay sa kaniya ng 86 percent approval rating at 82 percent trust rating.