Tuesday, July 12

Human Blood Donors Month, ginugunita ngayong Hulyo

July 12, 2011 | 5:00 PM

Sa gitna ng paggunita ng bansa sa National Blood Donors Month ngayong Hulyo, ineenganyo ng Department of Health ang publiko na regular na magdonate ng dugo upang maging bahagi sa pagsagip ng maraming buhay.

Sa isang DOH press release, inihayag ni Sec. Enrique Ona ang pangangailangan at kahalagahan ng ligtas, de-kalidad, at maraming supply ng dugo. Aniya, makakamtam lamang ito kung mas maraming tao ang boluntaryo at regular na magbibigay ng kanilang dugo. Kaya naman ang kanilang temang nabuo para sa taong ito ay "More Blood, More Life".

Dagdag pa ni Sec. Ona, ang pagbibigay ng dugo ay isa sa pinakamahalagang regalong pwedeng ibigay ng isang tao sa kanyang kapwa. Isang regalong maaaring makapagdugtong sa buhay ng isang may sakit, habang nag-iiwan din ng benepisyong pangkalusugan sa nagbibigay ng dugo.


Kamakailan ay inilunsad ang paggunita sa National Blood Donors Month, sa Antipolo City, Rizal. Tinampok dito ang Human Blood Formation, kung saan daan daang katao ang luminya upang makabuo ng imahe ng isang human blood droplet.

www.gov.ph

Ilang oil players, inaasahang magtataas na rin ng presyo sa petrolyo…DOE, may payo sa publiko

July 12, 2011 | 5:00 PM

PINAYUHAN ng Department of Energy ang publiko na magtipid-tipid muna upang hindi maging masyadong pabigat ang muling pagtataas ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ay nagtaas ng P2 kada litro ang Pilipinas Shell sa presyo ng kanilang unleaded gasoline habang P1.50 naman sa regular gasoline habang  80-sentimos ang itinaas sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Ayon kay DOE Usec.  Jay Layug, hindi dapat mag-alala ang taumbayan dahil patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga kumpanya ng langis.

Aniya, sadya lang talagang hindi nila  makontrol ang pagtaas ng demand sa Asya na nagdudulot ng pagtaas din ng presyo ng petrolyo sa lokal na pamilihan.


Inaasahan namang magsusunuran na rin sa pagtataas ang iba pang mga oil companies.

www.rmn.com.ph

Sugar exportation, pinalawig pa ng SRA

July 12, 2011 | 3:00 PM

PINALAWIG pa ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang deadline nito sa pag-export ng asukal sa world market mula ika-30 ng Setyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Paliwanag ng SRA ang hakbang na ito ay makakatulong para mapanatili na matatag ang presyo ng naturang produkto sa merkado.

Ang sugar output ng bansa ay lagpas sa target production na umabot na sa 2.54 million metric tons (mt) kung saan 100,000 mt dito ay planong i-export.

Batay sa Sugar Order No. 11, pinapayagan nito ang mga exporters sa “swapping” mula sa pag-export ng “B sugar” sa “D sugar.”

Ang “B sugar” ay tumutukoy sa alokasyon sa domestic consumption habang ang “D sugar” naman ay ang pag-export higit pa sa itinakdang sugar quota para sa U.S. Market.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons