Monday, July 18

Pilipinas, inulan ng suporta kaugnay sa Spratly issue

July 18, 2011 | 12:00 PM

INULAN ng suporta ang Pilipinas hinggil sa isyu ng pinagaagawang Spratly Islands.

Ito ay matapos ihain sa House of Representatives ng Amerika ang House Resolution No. 352 na nanawagan para sa “peaceful and collaborative resolution of maritime territorial disputes in the South China Sea and its environs and other maritime areas adjacent to the East Asian mainland”.

Ang nasabing panukala sa Amerika ay sinuportahan ng 27 mambabatas kung saan na nag-co-sponsor sa resolusyon ang mga ito.

Kinabibilangan din ito ng 18 republicans at 9 na democrats.

Base sa naturang resolusyon, suportado ng Amerika ang mapayapang, multi-lateral settlement sa alitan sa Spratly.

Nakalagay din sa naturang resolusyon ang pahayag ng US na handa itong tulungan ang Pilipinas para imo­dernisa ang militar.

Dahil sa suportang ipinakita ng Amerika ay mas lalong tumibay ang kumpiyansa ng Pilipinas para maangkin ng tuluyan ang Spratly islands.

www.rmn.com.ph

TESDA, mag-aalok ng libreng language review classes sa mga apektado ng Saudization

July 18, 2011 | 12:00 NN

Mag-aalok ng libreng laguange review classes ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na maaapektuhan ng "Saudization" program ng Saudi Arabia.

Sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na naglaan na sila ng P5 milyon para mabigyan ng libreng English language review classes ang mga kwalipikadong OFW.

Bukas aniya ang review classes para sa mga OFW na nais magtrabaho sa Australia at Canada na nauna nang tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may mga trabahong bukas para sa mga Pinoy.


www.dzmm.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons