Wednesday, September 7

DOT: Mga bansa sa Asya, nag-aalala sa planong pagpapalakas ng PH tourism

September 7, 2011 | 5:00 PM


Nag-aalala na umano ang ibang bansa sa Asya sa plano ng Pilipinas na pagpapalakas ng turismo. 

Sa pagsalang ng Department of Tourism (DOT) sa budget hearing sa Senado kaugnay ng P4 bilyong proposed budget para sa susunod na taon, inihayag ni acting Secretary Ramon Jimenez Jr. na hindi problema ang kakulangan sa pananalapi pagdating sa pagiging malikhain ng mga Pilipino upang paunlarin ang turismo.

Panawagan lamang ni Jimenez, kailangan nila ang suporta ng lahat ng ahensya ng gobyerno partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga infrastructure project.

Ngayon pa lamang, ipinagmalaki ni Jimenez na nag-aalala na ang Vietnam, Thailand at Malaysia sa planong pagpapalakas ng Pilipinas ng turismo nito.

Naungusan na aniya ng Pilipinas ang mga ito noon kahit salat sa pondo kaya muli itong magagawa ngayon.
Pinag-aaralan na ng DOT ang magiging bagong brand name campaign para sa Pilipinas pero sikreto muna ito sa ngayon.

www.dzmm.com.ph

BSP, nagbabala sa pagkalat ng nakaw ng dolyar

September 7, 2011 | 3:00 PM

PINAG-IINGAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga money changers, foreign exchange dealers at mga remittances agents.


Ito ay kaugnay sa posibleng pagkalat ng mga nakaw na mga U.S. Dollar notes.

Sa ipinalabas na circular ni BSP Deputy Governor Nestor Espenilla Jr., tinukoy ng opisyal na ang nabanggit na salapi ay kabilang sa mga natangay ng mga holdapers sa nangyaring robbery/hold-up sa isang armored van ng Land Bank of the Philippines sa Ozamis City.

Batay sa report, galing sa isang sangay ng Land Bank sa Ipil, Zamboanga City ang armored van ng harangin ito ng mga suspek sa bahagi ng Brgy. Lacupayan, sa bayan ng Tigbao.

www.rmnnews.com

Mano-manong blotter system, binasura

September 7, 2011 | 12:00 NN

UNITI- unti ng ibabasura ng Philippine National Police (PNP) ang mano- manong sistema ng pagbo-blotter kasabay ng paglulunsad ng electronic blotter o e-blotter system.

Ipinagmalaki ni PNP Chief Raul Bacalzo na sa pamamagitan ng makabagong pamamaraang ito ay magiging mabilis na ang pagtanggap at pag uupdate sa mga tinatanggap nilang reklamo.

Maiiwasan na rin ang karaniwang reklamo sa mga pulis kung saan binubura o dinadagdagan ang mga detalyeng nakalagay sa blotter logbook.

Kasabay nito, siniguro rin ni Bacalzo na hindi ito ma-hahack ng basta basta.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons