Saturday, September 3

CGMA, nakalabas na ng ospital

September 3, 2011 | 5:00 PM

NAKALABAS na ng St. Lukes Medical Center sa Taguig City si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Bandang alas-9:30 kagabi nang i-discharge si Arroyo  kasama si dating Frirst Gentleman Mike Arroyo sakay ng isang coaster na pag-aari ng pamilya Arroyo.

Ayon sa kay Dr. Juliet Cervantes - nagpumilit raw itong maka-uwi at sa bahay na lamang magpapahinga matapos ang kanyang matagumpay na ikatlong oprasyon sa cervical spine.

Dapat kaninang umaga pa lamang siya ilalabas, pero nagsabi na itong uuwi na kagabi.

Sa pangkalahatan ay maayos na ang kanyang kalagayan at wala na rin itong impeksyon.

Patuloy naman ang pag-inom nito ng calcium supplement para sa kanyang sakit na hypo-parathyroidism at paracetamol at  muscle relaxant  para sa kanyang leeg.

Dating Cabanatuan City Councilor Golpeo, hinatid na sa kanyang huling hantungan

September 3, 2011 | 5:00 PM

Hinatid na sa kanyang huling hantungan sa Sagrada Familia ang dating konsehal ng Cabanatuan na si Aurora "Baby" Golpeo.

Sa edad na setenta anyos, sumakabilang buhay si Golpeo noong araw Martes dahil sa kidney failure.

Si Baby Golpeo ay naglingkod bilang konsehal ng Cabanatuan sa loob ng 18 taon at naging chairperson din ng Office of the Senior Citizen's Affairs. Naging pangulo din siya ng Samahang Anak ng Cabanatuan, Soroptimist International, at Girl Scout of the Philippines.Siya ay ginawaran din ng prestihiyosong Natatanging Anak ng Kabanatuan.

Bird flu, hindi agad maililipat sa tao

September 3, 2011 | 3:00 PM

TINIYAK ng Dept. Of Health (DOH) sa publiko na hindi kaagad agad mahahawa ang mga tao sa H5N1 avian influenza o bird flu.

Ayon kay DOH Infectious Disease Specialist Dr. Lyndon Lee Suy, bagamat mayroong posibilidad na mailipat ito sa mga tao, magkakaroon muna ng malakihang problema sa livestock dahil dito nagmumula ang nasabing virus.

Kumpyansa naman ang doh na handa ang kanilang kagawaran sa pagsugpo laban sa bird flu dahil ayon kay lee suy, maaga pa lamang ay matindi na ang ginagawa nilang  paghahanda para makontrol ito.

Ipnaliwanag rin nito na kasing tindi rin ng H1N1 virus ang bird flu kung saan anim sa sampung katao ang posibleng tamaan nito.


www.rmnnews.com

Bb. Nueva Ecija 2011 Winners

Binabati ng 101.5 BiG SOUND fm at 1188 DZXO am ang mga nagsipagwagi sa Bb. Nueva Ecija 2011:

4th Runner-Up
Diana Borromeo, Guimba (10)

3rd Runner-Up
Katherine Tomboc, Peñaranda (13)

2nd Runner-Up
Robelle Villamayor, San Antonio (12)

1st Runner-Up
Ressie San Gabriel Palis (3)

Bb. Nueva Ecija 2011
Charizze Quimzon, Talavera (8)

Kondisyon ni GMA, bumubuti na!

September 3, 2011 | 12:00 NN

NANUNUMBALIK na ang lakas ng katawan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos sumailalim sa ikatlong operasyon sa kaniyang cervical spine.

Ayon kay Dr. Mario Ver – ang Orthopedic Surgeon ni Aroryo, matatag na ang iniligay nilang cervical vertebrae sa likod ng dating pangulo.

Sinegundahan naman nito ni St.Lukes Medical Center Vice President for Corporate Communications Marilen Lagniton at sinabing labis nilang ikinatutuwa ang positive progress ng dating pangulo.

Sa kabila nito ay patuloy parin aniyang nilang minomonitor ang lagay ng kongresista upang maiwasan ng magkaroon muli ng komplikasyon.

www.rmnnews.com

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons