Monday, July 25

Team Azkals, dumating na sa bansa


July 25, 2011 | 3:00 PM

Dumating na sa bansa ang Philippine Azkals kagabi mula sa naging laban nila sa Kuwait.

Mahaba ang naging biyahe ng grupo dahil mula Kuwait, dumaan muna sila ng Dubai at muling bumiyahe ng siyam na oras hanggang Maynila.
 

Magpapahinga muna ang team ngayong araw at pag-aaralan ang nakaraan nilang laban saka muling sasabak sa ensayo para sa muli nilang paghaharap ng Kuwait sa Huwebes, Hulyo 28 sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Determinado ang Philippine team na manalo at buo ang kanilang pag-asa dahil makakapaglaro na sina Stephan Schrock at team captain Aly Borromeo.

Nasa bansa na rin naman ang team Kuwait na aminadong nahirapan sa Azkals pero determinado umano silang muling talunin ang koponan ng Pinoy.

www.dzmm.com.ph

Minorya, hindi tiyak kung marami ang pupunta sa kanila sa SONA

July 25, 2011 | 3:00 PM

HINDI naman sigurado ang minorya kung ang lahat ba ng miyembro nila ay dadalo sa SONA ni pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.
 
Ayon kay deputy minority leader at Zambales rep. Mitos Magsaysay bagamat tiyak na dadalo siya sa SONA at kahit pa hindi nabibigay sa kanila ang pork barrel ay hindi naman masabi kung ang lahat ba sa minorya ay pupunta dito.

Aniya, may kanya-kanya naman kasing desisyon ang bawat isa at dahilan kung sakaling hindi makadalo upang saksihan ang ulat ng pangulo sa bayan.

Mahalaga aniya ay marinig ng publiko kung ano ba ang mga na-accomplished na gawain ng pangulo sa loob ng isang taon at mga plano nito sa bansa sa kanyang ikalawang taon bilang pangulo.

Sa panig ng minorya, tanging si Pampanga rep. Gloria Arroyo lamang ang nagpaabiso na hindi na pupunta sa SONA ni PNoy.

Mapapakinggan ng live ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa simulcast broadcast ng 101.5 BiG SOUND fm at 1188 DZXO am.


www.rmn.com.ph

PNoy, hindi magpapa-impress sa SONA

July 25, 2011 | 12:00 NN

WALANG planong magpa-impress si pangulong Benigno Noynoy Aquino III.



Ito ang bwelta ng Malakanyang hinggil sa mga binabatong isyu na puro pambobola lang ang sasabihin ni pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address mamaya.

Giit pa ng Malacañang bahala na ang mga boss ni PNoy na humusga sa bigat at saysay ng sasabihin ni pangulong Aquino.

Nilinaw din ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte gusto lang i-report ni PNoy ang totoong estado ng bayan.

Kinumpirma naman ni presidential Communications Group secretary Ricky Carandang na mas mahaba sa karaniwang speech ni pangulong Noynoy ang kanyang State of the Nation Address.

Sinabi ni Carandang na “pagbabago” o "social transformation" ang tema ng SONA dahil hangad ng pangulo na sumulong na ang bansa.

Wait and see naman si Carandang sa mga balitang ipapakilala na ni PNOY ang bagong ombudsman sa SONA.

Samantala, ayon kay Carandang, naiintindihan ng Malakanyang ang hindi pagdalo ni dating pangulong Gloria Arroyo sa SONA dahil aniya wala namang sinuman ang gustong nakaharap habang binabatikos sa talumpati.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons