June 14, 2011 | 12:00 NN
Makakatanggap ang mga manggagawa sa Gitnang Luzon ng 14 pesos na pagtaas sa kanilang cost of living allowance. Yan ay ayon mismo kay Acting Labor Secretary Danilo Cruz.
Ang mga manggagawa sa mga non-agricultural establishment na may total asset na hindi bababa sa 30 million pesos sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ay may arawan nang sahod na 330 pesos.
Ang mga manggagawa naman sa mga establisyementong mas mababa sa 30 million pesos ang assest ay may minimum wage rate na 322 pesos and 50 centavos.
Ang mga manggagawa sa agricultural sector sa Region 3, maliban sa Aurora ay may minimum wage rate na 300 pesos para sa plantation workers at 284 pesos naman para sa mga non plantation workers.
Sa mga nagtatrabaho sa mga retail o service establishment na may labing anim o higit pang trabahador, ang bagong minimum wage rate ay 319 pesos, samantalang doon sa may mas mababa sa labing-anim na trabahador ay 305 pesos per day.
Ang mga non agricultural worker naman sa Aurora ay makakatanggap ng 279 pesos na daily wage. Ang agricultural sector sa Aurora ay may bagong daily rate na 264 para sa plantation workers, at 244 para sa non plantation workers.
Ayon pa kay Secretary Cruz, ang mga manggagawa sa mga retail/service establishment sa Aurora na may hindi hihigit sa sampung empleyadong ay makakatanggap ng 201 pesos per day.