Tuesday, July 5

JBC, may short list na ng mga nominado para maging susunod na ombudsman

July 5, 2011 | 5:00 PM

May shortlist na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga nominado para maging susunod na ombudsman kapalit ng nagbitiw na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni JBC member at Iloilo Congressman Niel Tupas na pasok sa short list sina retired Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, Justice Undersecretary Lea Armamento, Gerard Mosquera at dating Justice Secretary Artemio Toquero na pawang nakakuha ng limang boto bawat isa.

Isusumite bukas ng JBC kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang naturang shortlist kung saan ito pipili ng susunod na ombudsman.

Sa ilalim ng batas, may 90 araw ang Pangulo para punan ang binakanteng pwesto ni Gutierrez.


www.dzmm.com.ph

Bagong sama ng panahon, namataan sa Eastern Samar

July 5, 2011 | 3:00 PM

Binabantayan ngayon ng PAGASA ang panibagong sama ng panahon sa Silangan ng Samar.

Sinabi ni Science and Technology Undersecretary at PAGASA Director Graciano Yumul na huling namataan ang low pressure area (LPA) sa 610 kilometro sa Silangan ng Samar at malaki ang posibilidad na maging bagyo ito.

Nilinaw naman ni Yumul na hindi ang naturang LPA ang nagpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa kasama na ang Mindanao, Central at Southern Luzon, Visayas gayundin ang Metro Manila kundi ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).


www.dzmm.com.ph

Anti-smoking group, isinulong na taasan ang buwis sa mga tobacco products

July 5, 2011 | 3:00 PM

Isinulong ng Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines na taasan ang sinisingil na buwis sa tobacco industry.

Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Executive Director ng FCAP na ito ay upang magamit ang nasabing pondo sa mga health insurance program ng administrasyong Aquino dahil hindi naman sapat ang pondong nakukuha sa mga anti-smoking drive ng pamahalaan.

Inihayag ni Limpin na umaabot lang sa higit 26 billion pesos ang nakokolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue mula sa mga kumpanya ng sigarilyo kumpara sa ginagastos sa pagpapagamot ng Department of Health sa mga sakit na umaabot sa 276 billion pesos.


Samantala, nilagdaan na ang isang memorandum of  agreement sa pagitan ng Department of Interior and Local Government at Metropolitan Manila Development Authority kaugnay ng anti-smoking drive sa mga pampublikong lugar sa Kalakhang Maynila.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, tutulong na rin ang DILG sa no smoking policy campaign para sa mas pinaigting na pagpapatupad nito.



www.rmn.com.ph and www.dzmm.com.ph

Business industry, hinikayat ng DOE na mamuhunan sa kanilang Energy Efficient Project

July 5, 2011 | 12:00 NN

HINIHIKAYAT ng Department of Energy ang business industries sa Pilipinas na gumamit ng energy-efficient chillers para makatipd sa kanilang energy bills.

Ito ay may kaugnayan sa pamumuhunan sa Philippine Chillers Energy Efficiency Project (PCEEP) ng DOE.
Ayon kay DOE secretary Jose Rene Almendras, hindi lamang aniya ito makakatulong sa kalikasan kundi isang paraan na rin para mapabuti ang isang negosyo.

Aniya, ang PCEEP ay isang grant project mula sa World Bank at ng Global Environment Facility na umaabot sa $47.9 million dollars ang pondo.

Ang naturang proyekto ay sisimulan ngayong taon at tatagal ng 10 taon; layunin nito na palitan ang halos 400 inefficient chillers, CFC-based chillers ng non-CFC-based models.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons