Friday, September 2

Mga turistang mula Vietnam at China, hihigpitan ang quarantine kaugnay ng bird flu virus


September 2, 2011 | 5:00 PM

Pinaigting ng Bureau of Quarantine ang screening sa mga pasahero at turistang dumarating sa bansa lalo na kung galing China, Vietnam at iba pang bansang apektado ng H5N1 avian influenza virus.

Ayon kay Bureau of Quarantine Board and Import Division Chief Alexander Cuba, inatasan na nila ang lahat ng medical officer sa bansa na mahigpit na bantayan ang mga pasaherong dumarating kung may lagnat ang mga ito.

Beberipikahin aniya kung saang bansa nanggaling ang mga pasaherong may lagnat at kapag nagmula ito sa mga bansang apektado ng bird flu virus, agad nila itong ipadadala sa ospital upang masuri.

Sa ngayon, wala pang indibidwal na kinakikitaan ng nasabing sakit.

Sa bilang ng mga dayuhan: Tsino, pinakamarami sa Pinas

September 2, 2011 | 3:00 PM

Nangunguna ang mga Chinese national sa bilang ng mga dayuhan na pansamantalang naninirahan sa Pilipinas, batay sa listahan ng Bureau of Immigration.

Sa talaan ng alien registration division ng BI, umaabot sa mahigit 61,000 ang Chinese nationals na nasa Pilipinas na nanggaling sa Mainland China.


Ang naturang bilang ay kumakatawan sa halos one-third ng kabuuang 189,000 dayuhan na nakarehistro sa BI hanggang noong July 31, 2011.


Ang mga rehistradong dayuhan na napagkalooban ng immigrant o non-immigrant visa ng BI board of commissioners ay binibigyan ng identity card na kung tawagin ay ACR I-Card.


Ayon kay Danilo Almeda, hepe ng BI-ARD, sumunod sa mga Chinese ang mga Korean na may bilang na halos 28,000 at pangatlo ang mga American na halos 25,000. Nasa listahan din ang mga Indian, mahigit 23,000 at pang-lima ang mga Japanese halos 9,000.


www.gmanews.tv 

ika-115 Unang Sigaw ng Nueva Ecija, ipinagdiwang

September 2, 2011 | 12:00 NN

Ngayong araw na ito ay ginugunita ang ika-115 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

Kaugnay niya, katatapos lamang ng isinagawang commemorative program sa pangangasiwa ng pamahalaang panlalawigan. Naganap yan kanina umaga sa Nueva Ecija Convention Center sa Lungsod ng Palayan.

Panauhing pandangal kanina si Senador Francis "Chiz" Escudero. Sa kanyang mensahe, idiin ng senador na bagamat mahalagang alalahanin ang mga ninunong Novo Ecijano bilang isa sa mga naunang mag-aklas laban sa mga mananakop na kastila, inaasahan din niya na mangunguna rin ang mga Novo Ecijano sa kasalukuyang laban ng ating bansa. Aniya, ito ang panahon upang maipakita ng mga mamamayan ng Nueva Ecija ang kagitingan at katapangan ng mga ito upang labanan ang kahirapan, kamangkamangan, at kawalan ng pagkakapantay-pantay.

Naroon din upang pangunahan ang pagdiriwang, si Governor Aurelio Umali, Vice Governor Gay Padierno, at Congresswoman Cherry Umali na siyang tumatayong chairperson ng organizing committee.

Dumalo rin ang mga local chief executive at mga kinatawan ng mga local government units ng Nueva Ecija.

Sa mga sandaling ito'y isang salu-salo ang nagaganap ngayon sa kapitolyo kasama pa rin si Senador Chiz Escudero.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons