Tuesday, August 2

Ethanol sa gasolina, ikakasa ng DoE

August 2, 2011 | 5:00 PM

NAKATAKDA nang ipatupad ng Department of Energy ang mandato hinggil sa sampung porsyentong dagdag na ethanol sa bawat volume ng gasolina na ibebenta ng mga oil company sa merkado.
 
Ayon kay Undersecretary Jay Layug, nakapagsagawa na sila ng konsultasyon sa mga oil company para tuluyan nang maipatupad sa August 6 ang naturang panukala.

Aniya, ang pagpapatupad ay base na rin sa nakasaad sa Biofuel Act of 2006- na mas makabubuting ihalo ang ethanol at gasolina upang mas makatipid sa pagkonsumo ng gas ang bansa at hindi na kinakailangan pang kumuha ng mga imported fuels.

Samantala, kinumpirma naman ng Total Philippines na makakaasa ang DoE na nakahanda silang sumunod sa ethanol mandate.

www.rmn.com.ph

August 2, 2011 | 3:00 PM

Naglabas na ng memorandum ang Malacañang na nagsususupinde ng klase sa tertiary level gayundin ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa National Capital Region, simula kaninang ala-1 ng hapon. Magpapatuloy naman ang serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno sa NCR na may kinalaman sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyong publiko sa panahon ng kalamidad.

MEMORANDUM CIRCULAR NO. 17

2 weather system, nagdudulot ng pag-ulan sa NCR at Western Luzon

August 2, 2011 | 3:00 PM

Dalawang weather system ang nagpapa-ulan ngayon sa Western Luzon kasama na ang Metro Manila.

Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul na kapwa hinihigop ng bagyong Kabayan na ngayo'y nasa may Basco, Batanes at ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang hanging Habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan.

Inaasahan aniyang magiging maulan hanggang sa Sabado sa Western Luzon partikular sa Ilocos Norte, Ilocos Sur hanggang Cavite, Laguna, Batangas kasama rin ang Mindoro.

Samantala, inaasahang sa Lunes papasok sa bansa ang tropical depression na tatawaging bagyong Mina, na kung hindi magbabago, papasok sa Timog Silangan at nagbabanta sa Samar-Bicol Regions.

Pinaaalalahanan naman ni Yumul ang mga mangingisda na mayroong gale warning o malakas na hangin at alon sa Northern Luzon mula Ilocos Norte hanggang Cagayan, Western Luzon, Central at Southern Luzon gayundin sa Eastern Seaboard ng Luzon at Visayas kaya kailangan ang matinding pag-iingat.

www.dzmm.com.ph

Maraming lugar sa Metro Manila, binabaha

August 2, 2011 | 3:00 PM

Binabaha na ang maraming lugar sa Metro Manila.

Batay sa twitter account ng MMDA, kabilang sa may mga pagbaha ang Brgy. Salapan sa San Juan na hanggang baywang na ang baha.

Sa Maysilo hanggang Francisco St. sa Mandaluyong City, lagpas-tuhod ang baha habang hanggang baywang sa balong bato.

Gutter deep naman sa EDSA- Santolan Service Road habang lagpas gutter sa EDSA- P. Tuazon North bound at South bound.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na dapat nang iwasan ang ilang lugar sa Quezon City gaya ng Del Monte Area, Welcome Rotonda at Talayan-Araneta Avenue area, gayundin ang ilang barangay sa San Juan; at sa Maynila, ang Tayuman-Avenida Rizal at R. Papa dahil sa mga pagbaha.

Nagpalabas na aniya ng libreng sakay ang MMDA para sa mga estudyante sa kolehiyo na papauwi na matapos suspendehin ang kanilang klase.

www.dzmm.com.ph

Ekonomiya, apektado sa paglakas ng piso

August 2, 2010 | 12:00 NN

Ekonomiya ng bansa, apektado ng paghina ng dolyar kontra piso.

Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines president Ed Lacson na ang paghina ng dolyar ay indikasyon ng paghina ng ekonomiya ng America na numero-unong economic partner ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay nangangamba si Lacson na maaapektuhan ang employment sa export sector tulad ng electronics dahil sa paghina ng demand.

Nakiusap din si Lacson na huwag gawing deep pocket reserve ng pamahalaan ang mga employer bilang tugon sa pahayag ni Labor secretary Rosalinda Baldoz na pag-aralan ang pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa.

Aminado naman si Lacson na ang mga importers ang nakikinabang sa paglakas ng piso kontra dolyar pero aniya ay malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan.

www.rmn.com.ph

Halaga ng piso, sumampa na sa 41-level

August 2, 2011| 12:00 NN

Pumalo na sa P41 level ang palitan ng dolyar sa piso.

Nagsara ang palitan ngayong araw sa P41.925 kada dolyar mula P42.14 noong Biyernes.

Ito na ang pinakamalakas na antas ng piso sa loob ng mahigit tatlong taon.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons