August 2, 2011 | 3:00 PM
Dalawang weather system ang nagpapa-ulan ngayon sa Western Luzon kasama na ang Metro Manila.
Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul na kapwa hinihigop ng bagyong Kabayan na ngayo'y nasa may Basco, Batanes at ng Low Pressure Area (LPA) na nasa Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang hanging Habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan.
Inaasahan aniyang magiging maulan hanggang sa Sabado sa Western Luzon partikular sa Ilocos Norte, Ilocos Sur hanggang Cavite, Laguna, Batangas kasama rin ang Mindoro.
Samantala, inaasahang sa Lunes papasok sa bansa ang tropical depression na tatawaging bagyong Mina, na kung hindi magbabago, papasok sa Timog Silangan at nagbabanta sa Samar-Bicol Regions.
Pinaaalalahanan naman ni Yumul ang mga mangingisda na mayroong gale warning o malakas na hangin at alon sa Northern Luzon mula Ilocos Norte hanggang Cagayan, Western Luzon, Central at Southern Luzon gayundin sa Eastern Seaboard ng Luzon at Visayas kaya kailangan ang matinding pag-iingat.
www.dzmm.com.ph
Tuesday, August 2
2 weather system, nagdudulot ng pag-ulan sa NCR at Western Luzon
12:59 PM
Percy Tabor
No comments
August 2, 2011 | 3:00 PM
0 comments:
Post a Comment