Friday, July 29

CGMA, nailipat na sa ICU matapos operahan

July 29, 2011 | 5:00 PM

Nailipat na sa intensive care unit (ICU) ng St. Lukes Medical Center sa Global City, Taguig si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo matapos sumalang sa delikadong operasyon sa kanyang cervical spine.

Sampung doktor ang nag-opera kay Arroyo na nag-umpisa kaninang alas 7:00 ng umaga.

Una nang ipinaliwanag ng mga doktor na maselan ang operasyon dahil aayusin ang mga naipit na ugat na responsable sa pandama mula sa balikat hanggang daliri at tamang rhythm ng paghinga saka isasagawa ang titanium implant sa bahagi ng cervical spine na nagkaroon ng problema.

www.dzmm.com.ph

Azkals, pinuri ng Malakanyang


July 29, 2011 | 5:00 PM

Pinuri ng Malakanyang ang Philippine Team Azkals sa kabila ng pagkalaglag nito sa World Cup Qualifier matapos matapos matalo ng Kuwait sa laban kahapon sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pinatunayan ng Azkals ang kanilang katapangan at buong pusong pagbibigay ng kakayahan sa naturang laban.

Hinikayat ni Valte ang sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang suporta sa Azkals at iba pang atletang Pinoy. 


Nabigong maipanalo ng Azkals ang kanilang laban kontra Kuwait sa 2nd leg ng 2014 World Cup Qualifiers, sa score na 2-1. Eliminated na ang Team Azkals habang aabanse naman ang Kuwait sa 3rd round.

www.dzmm.com.ph

Ballot switching, iimbestigahan ng Kamara

July 29, 2011 | 12:00 NN

PINAREREBISA ng Kamara ang imbestigasyon sa  switching ng election returns noong 2005.
 
Ayon kay House speaker Feliciano Belmonte, inatasan na niya si House secretary Marilyn Yap na kunin ang records at anumang ebidensya na naiprisinta ng isagawa ang pagsisiyasat.

Pinagawan na rin ni Belmonte ang se­curity ng Kamara na mag­sagawa ng masusing ebal­wasyon sa lahat ng kanilang miyembro upang malaman ang loyalty ng mga ito.

Matatandaang ibinulgar ni Justice secretary Leila de Lima na may naganap na ‘break in’ sa House of Representatives, sa Batasang Pambansa Complex, upang ipagpalit ang mga ER at masabing nanalo talaga si Ginang Arroyo laban kay Fernando Poe. Jr noong 2004 presidential polls.

Sa ngayon, naniniwala si Belmonte na ang magagawa na lamang ng Kamara ay tiyakin na malinis at may integridad ang sinumang itatalagang security sa canvassing sa 2016 elections para hindi na maulit ang pandaraya.

www.rmn.com.ph

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons