Monday, July 11

Metro Manila at Western Luzon, magiging maulan dahil sa hanging habagat


July 11, 2011 | 5:00 PM

Makakaranas pa rin ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan ngayong araw ang Metro Manila at Western Luzon dulot ng hanging habagat.


Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul na may binabantayang kaulapan na mabubuong Low Pressure Area (LPA) sa Miyerkules o Huwebes at posibleng maging bagyo pagdating ng weekend.

Inihayag ni Yumul na tulad ni Tropical Depression Goring, na nakalabas na ng bansa, ang naturang LPA ay malapit na sa Taiwan kapag naging bagyo.

www.dzmm.com.ph

Palasyo, umaasang matutuloy ang usapin sa RH Bill dahil sa bagong mga opisyal CBCP

July 11, 2011 | 5:00 PM

HINDI pa isinasara ng Malacañang ang kanilang pintuan para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para pag-usapan ang kontrobersyiyal na Reproductive Health Bill.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi naman nila isinara ang pintuan para pag-usapan ang nasabing panukalang batas, kaya naman nalungkot aiya sila ng umatras na ang simbahan sa pakikipag dayalogo.

Sinabi din nito na titingnan nila kung ano ang magiging posisyon ng mga bagong opisyal ng CBCP.

Nabatid na noong nakaraang biyernes ay nagkaroon ng eleksyon ang CBCP kung sino ang susunod na mamumuno sa kanila at nanalo si Cebu archbishop Jose Palma na magsisimula ng panunungkulan sa darating na Disyembre 1.

www.rmn.com.ph 

Panibagong Pinoy boxer, wagi

July 11,2011| 5:00PM


PINABAGSAK ng bagong Pinoy boxing sensation na si Mercito “No Mercy” Gesta si Jorge Pimentel ng Mexico sa kanilang non-title fight sa California USA kahapon.



Kaya naman bago pa tuluyang patulugin ni Mercito si Pimentel ay inawat na ito ni referee Raul Caiz, Jr.

Dahil dito umangat ang record ni Gesta sa 22 win 0 loss 0 draw.

Inaasahan namang si WBA lightweight champion Brandon Rios ang makakharap ni Gesta sa susunod nitong laban kung saan parehong under ang dalawa sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.

www.rmn.com.ph 

Nagiisang research facility ng dayuhang kumpanya, inilagay sa bansa

July 11,2011 | 3:00PM 

ITINAYO sa Pilipinas ang kaunaunahang at nag-iisang research and development facility ng Nokia Siemens Networks sa buong Southeast Asia.

Ito ay kabahagi ng pag-anyaya ng pamahalaan sa mga dayuhang kumpanya at negosyante na mamuhunan sa bansa sa ilalim narin ng Public Private Partnership Program.

Nabatid na napili ng nasabing kumapanya ang Pilipinas na pag-tatayuan ng kanilang pasilidad ay dahil sa galing ng mga Filipino engineers na nakapagtapos sa ilan sa mga pangunahing kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Dahil diyan ay pangungunahan ni pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III mamayang hapon ang pagpapasinaya ng research and development facility na ito na matatagpuan naman sa UP Ayala Technohub sa Quezon City.

www.rmn.com.ph 

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons