Monday, July 11

Palasyo, umaasang matutuloy ang usapin sa RH Bill dahil sa bagong mga opisyal CBCP

July 11, 2011 | 5:00 PM

HINDI pa isinasara ng MalacaƱang ang kanilang pintuan para sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para pag-usapan ang kontrobersyiyal na Reproductive Health Bill.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi naman nila isinara ang pintuan para pag-usapan ang nasabing panukalang batas, kaya naman nalungkot aiya sila ng umatras na ang simbahan sa pakikipag dayalogo.

Sinabi din nito na titingnan nila kung ano ang magiging posisyon ng mga bagong opisyal ng CBCP.

Nabatid na noong nakaraang biyernes ay nagkaroon ng eleksyon ang CBCP kung sino ang susunod na mamumuno sa kanila at nanalo si Cebu archbishop Jose Palma na magsisimula ng panunungkulan sa darating na Disyembre 1.

www.rmn.com.ph 

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons