Tuesday, September 6

Mga manok mula sa Pilipinas, ligtas kainin—DA

September 6, 2011 | 5:00 PM

TINIYAK ng Department of Agricultrure (DA) na ligtas kainin ang mga manok na galing sa Pilipinas.
 
Ito ang sinabi ni DA Asec. Salvador Salacup sa kabila ng pangamba ng bird flu virus.

Mahigpit naman aniyang nagbabantay ang mga otoridad upang mapigilan ang  pagpasok ng avian flu virus sa bansa.

Binanggit din  ni Salacup na walang dahilan para magmahal ang presyo ng manok sa mga pamilihan dahil may sapat na supply ng poultry products ang bansa.

Una nang sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na hindi dapat maapektuhan ang lokal na merkado ng bansa ukol sa presyuhan ng karne ng manok dahil hindi apektado ang bansa ng nasabing sakit at kung tutuusin malaki ang poultry industry ng Pilipinas kaya hindi iindahin ang epekto ng krisis.

www.rmnnews.com

Umento sa sahod, opsyon sa Kamara kapalit ng 4-day work week

September 6, 2011 | 5:00 PM


Ikinukonsidera ngayon sa Kongreso ang pagpapasa ng legislated wage hike kasunod ng pagtutol ng ilang employer's group sa panukalang 4-day work week.

Ayon kay Quezon City Congressman Winston Castello, umento sa sweldo ang isa nilang opsyon kapalit ng panukalang gawing apat na araw na lamang ang pasok ng mga manggagawa.

Hinimok naman ng kongresista ang mga employer na pumayag na sa 4-day work week dahil isa itong win-win solution.

Sa ilalim aniya nito, makatitipid ng pamasahe at baon ang mga manggagawa at operational costs naman sa panig ng mga employer.

www.dzmm.com.ph

PhilHealth, nag-umpisa nang mamahagi ng bagong member ID discount card

September 6, 2011 | 3:00 PM

Sinimulan na ng Philippine Health Insurance ang pamamahagi ng mga bagong member identification (ID) card na magbibigay ng diskwento sa mga miyembro.

Ito'y matapos lumagda ang PhilHealth sa may 20 pribadong institusyon para mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo dahil mabibigyan ang mga miyembro ng hanggang 60 porsiyentong discount sa ilang gamot.

Ayon kay PhilHealth President Dr. Rey Aquino, layon ng programa na mahikayat na magpa-miyembro na rin sa PhilHealth ang mga non-member o kabilang sa informal sector tulad ng mga professional na may sariling negosyo, mga magsasaka at taxi drivers.

Para magkaroon ng discount card ang mga miyembro na ng Philhealth, kailangan lang dalhin ang dating Philhealth card o anumang valid id at magbabayad ng P50 para sa card sa SM malls at Bayad Center.

Sa hindi pa naman miyembro, kailangan lang magparehistro; dalhin ang birth certificate at magbayad ng P300 na premium para sa tatlong buwang contribution at P50 para sa card.


Ayon kay Aquino, kapag naging miyembro ng PhilHealth ay otomatikong makatatanggap ng discount card.
Paliwanag pa ni Aquino, hindi lamang sa mga gamot magagamit ang discount card dahil magagamit din ito sa ilang bakuna at drug testing.

www.dzmm.com.ph

10,000 medical jobs sa Saudi Arabia, hindi totoo?

September 6, 2011 | 12:00 NN

ITINANGGI ni Labor Sec. Rosalinda Baldos na hindi naman talaga P10, 000 medical jobs ang bakante Saudi Arabia.


Sinabi ni Baldos na sa nakarating sa kanilang reports, isang libong medical jobs ang bakante sa Saudi Arabia.
Ayon kay Baldos, karamihan sa mga ito ay pagpipilian lang o magiging man power resource sa ilang panahon bago tuluyang ma-hire.

Pero nilinaw naman ni Baldos na bagama’t nasa website ng POEA ang LBS Recruitment Solution ay idodouble check pa rin ng kanyang ahensya ang nasabing job openings para makasigurado ang taumbayan.

www.rmnnews.com

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons