June 10, 2011 | 12:00 NN
Sa kauna-unahang pagkakataon ay pangungunahan ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong darating na Linggo, June 12.
Ang pagdiriwang ng ika isang daan at labintatlong taong Araw ng Kalayaan ay sisimulan sa pamamagitan ng isang flag raising ceremony sa Kawit, Cavite. Susundan ito ng isang vin d' honneur sa Malacañang ganap na alas-diyes ng umaga sa pangunguna pa rin ni PNoy. Ganap na alas kwatro ng hapon ay magkakaroon ng iba't ibang seremonya at pagdiriwang sa Quirino Grandstand.
Inatasan ng Palasyo ang National Historical Commission of the Philippines na pangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa buong bansa.
Bilang paghahanda sa Independence Day, ginunita ng bansa ang National Flag Day noong May 28 kung kailan sinimulan ang kampanya ng pagdi-display ng watawat ng Pilipinas hanggang sa June 12.