Friday, June 10

Pagasa: Tropical Storm Dodong, patuloy na kumikilos palayo sa bansa


June 10, 2011 | 3:00 PM

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Dodong at patuloy na kumikilos palayo sa bansa.

Sa pinal na bulletin sa bagyo na ipinalabas ng PAGASA, namataan ang sentro ni Dodong sa layong 330 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Laoag City kaninang alas 10:00 ng umaga.

Si Dodong ay may taglay na lakas ng hanging aabot ng 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng hanggang 80 kilometro bawat oras.

Tinatayang kikilos si Dodong ng pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Inaasahang pag-iibayuhin ni Dodong ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons