September 8, 2011 | 12:00 NN
NAKAHANAP na ng makabagong teknolohiya ang mga scientist para mabawasan ang paglaganap ng mapanganib na red tide.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology’s Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development at Up-Marine Science Institute sa pamamagitan ng bola na yari sa clay ay maaari nitong mapagsama-sama ang mga red tide organisms na nasa karagatan.
Paliwanag ni Dr. Rhodora Azanza, Co-Project Leader ng Ball Clay Technology, ang mga algal cells ay namamatay sa oras na madikit sa mga clay particles.
Ang paggamit ng clay para maibsan ang paglaganap ng red tide ay minsan nang naging matagumpay nang subukan sa pyrodinium bloom sa Masinloc Bay, Zambales.