Thursday, September 8

PH bilang ikatlong bansang madalas tamaan ng kalamidad, inaasahan na ng PAGASA

September 8, 2011 | 3:00 PM
Inaasahan na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng Pilipinas sa ikatlong pwesto sa mga bansang palaging tinatamaan ng kalamidad.

Sinabi ni DOST Undersecretary Graciano Yumul na nasa Ring of Fire at Tropical Cyclone Belt ang bansa kaya dapat lamang na asahan ang pagtama rito ng mga bagyo.

Batay sa World Risk Index 2011 ng United Nations' University Institute for Environment and Human Security (UNU-EHS), nangunguna ang Vanuatu, pangalawa ang Tonga at pangatlo ang Pilipinas sa madalas hagupitin ng kalamidad, partikular na ng mga bagyo.


Binanggit sa report na may epekto rito ang pagkaka-pwesto ng Pilipinas sa Pacific Ocean.

Sinusukat sa index ang social vulnerability at exposure sa natural hazards at climate change ng mga bansa.


www.dzmm.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons