Friday, July 15

Mga may kapansanan, muling pinaalalahanan ng Comelec na magparehistro na para sa 2013 elections

Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga may kapansanan na magparehistro sa Lunes, Hulyo 18 hanggang sa Sabado, Hulyo 23 para sa halalan sa 2013.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang naturang mga petsa ang pinakamainam na panahon para magparehistro o magpa-revalidate ang mga persons with disability PWD.

Bukod sa pagpaparehistro, aalamin din ng Comelec ang lahat ng pangangailangan ng mga may kapansanan para mabigyan sila ng full assistance sa halalan.

Inihayag ni Jimenez na mayroong mga itatayong special registration center ang Comelec sa ilang malls para madaling makapunta ang mga may kapansanan at pati ang mga kasama nito ay maaari ring magparehistro.

Nasa 50,000 hanggang 100,000 registrants na PWD ang inaasahan ng Comelec sa buong bansa.

Pacquiao, panalo sa ESPY Fighter of the Year award

July 15, 2011 | 12:00 NN

Nasungkit ni Manny Pacquiao ang panalo sa Excellence in Sports Performance Yearly o ESPY Fighter Award na iginagawad ng ESPN.

Iginawad kay Manny Pacquiao ang ESPY Fighter Award dahil sa matagumpay niyang laban kina Sugar Shane Mosley noong Mayo at Antonio Margarito noong nakaraang taon.

Tinalo ni Pacquiao para sa parangal na ito ang ilan pang nominado gaya nina future Hall of Famer Bernard Hopkins, UFC light heavyweight champion Jon Jones, at welterweight titlist Georges St. Pierre.

Si Pacquiao na eight-time world division champion ay unang nakakuha ng ESPY Award noong 2009.

Sinimulan ng ESPN ang pagbibigay ng parangal sa mga individual at team athletes noong 2007 kung saan una nilang pinarangalan si American Undefeated Boxer at kritiko ni Pacquiao na si Floyd Mayweather, Jr.

www.gmanews.tv (edited)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons