Thursday, July 14

DTI-NE, naghahanda na para sa Diskwento Caravan

July 8, 2011 | 12:00 NN

Kasalukuyan nang naghahanda ang Department of Trade and Industry Nueva Ecija Provincial Office para sa pagtulak ng Diskwento Caravan na magaganap maghapon bukas sa Freedom Park, Cabanatuan City.


May 35 exhibitors ang inaasahang makikiisa sa Diskwento Caravan. Magbibigay din ng libreng gupit at masahe ang Provincial Manpower Training Center. Nakahanda naman ang DTI NERBAC Team na tulungan ang mga negosyante sa kanilang pangangailangan gaya ng pagproseo ng DTI Permit, SSS, at iba pa.

Layunin ng Diskwento Caravan na maihatid sa mga consumers ang de-kalidad na produkto na kanilang mabibili sa mas murang halaga tulad ng gamot, tinapay, canned goods, processed meat products, detergents, tsinelas at marami pang iba.


Bagamat magbubukas na ang mga exhibitor ng ala-sais y media ng umaga, pormal na sisimulan ang Diskwento Caravan sa pamamagitan ng isang programa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang imbitasyong ito ng DTI na dumalo at mamili sa Diskwento Caravan ay bukas para sa lahat.

BiG SOUND & DZXO Newsteam

Pagtanggal sa 12% VAT sa singil sa kuryente, isinusulong

July 14, 2011 | 3:00 PM

NAGHAIN sina 1-Care party list representatives Michael Angelo Rivera at Salvador Cabaluna III na tanggalin ang 12% value added tax sa singil kuryente.

Ayon sa mga mambabatas ang House Bill 4514 ay naglalayon na pababain ang singil sa kuryente.

Anila base kasi sa kasalukuyang sistema, nagbabayad ang mga power industry players ng ordinary income tax at ang 12% VAT ay nagpapahirap sa mga consumers dahil pinapasa ng mga energy companies sa taumbayan ang buwis.

Dagdag pa ng mga ito sa oras na maisabatas ang kanilang panukala ay ang mismong energy company na ang magbabayad ng kanilang franchise tax.

www.rmn.com.ph

SP nagpasa ng resolusyon para maging HUC ang Cabanatuan

July 14, 2011 | 12:00 NN

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan noong Lunes na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino III na magbaba ng proklamasyong nagdedeklara sa lungsod bilang Highly Urbanized City.

Ayon sa Sanggunian na pinamumunuan ni Vice Mayor Jolly Garcia, kwalipikado na ang Cabanatuan upang maging HUC, kasama na ang usaping income requirement.

Labing-isang konsehal ang lumagda sa resolusyon. Absent sa naturang sesyon si Konsehal Jess Diaz.

Sakaling maibaba na ang proklamasyon mula kay Pangulong Aquino, kukunin na ang desisyon ng mga Cabanatueño sa pamamagitan ng isang plebesito.

Isa pang resolusyon ang ipinasa ng Sanggunian sa parehong araw na humihiling kay 3rd District Representative Cherry Umali na i-sponsor ang isang bill sa Kongreso na nagdedeklara sa pagiging lone district ng Lungsod ng Cabanatuan.

PNA

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons