Monday, May 23

Boxing legend Oscar Dela Hoya nagpa-rehab…sa NBA, Miami Heat wagi sa Game 3 ng Eastern Conference Finals


May 23, 2011 | 5:00 PM

NAGPA-REHAB ang boxing legend at dating 10-time World Champion at Future Hall of Famer na si Oscar Dela Hoya.

Sa kabila ng pagkabigla ng maraming fans ni Oscar, hinangaan siya ng World Boxing Council president na si Jose Sulaiman.

Ayon kay Sulaiman, ang ginawa ni Dela Hoya ay malaking tulong para sa madaliang paggaling nito matapos malulong sa droga.

Samantala, sa NBA…

Panalo sa Game 3 ng Eastern Conference Finals ang Miami Heat kontra Chicago Bulls.

2-1 lead na ang Miami matapos ang score na 96-85.

Nagtala ng 34 points si Chris Bosh at 22 points naman para kay Lebron James. 

www.rmn.com.ph

25-M estudyante sa elementarya at high school, inaasahang dadagsa sa mga paaralan sa pasukan


May 23, 2011 | 3:00 PM

Tinatayang nasa 25 milyong estudyante sa elementarya at high school sa mga pribado at pampublikong paaralan ang inaasahang dadagsa sa muling pagbubukas ng klase sa Hunyo.
 
Sa pagsisimula ng “Brigada Eskwela” ng Department of Education (DepEd) sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na nasa 1.1 milyong kindergarten ang nakapag-enroll na para sa unang batch ng mga batang sasailalim sa Universal Kindergarten Program ng kagawaran.
 
Binanggit ni Luistro na 908 classrooms ang patuloy na kinukumpuni habang nakumpleto na ang pagsasa-ayos sa mahigit 2, 000 silid-aralan.
 
Tiniyak naman ng DepEd na handa na ang mga eskwelahan sa pagdagsa ng milyon-milyong mag-aaral ngayong pasukan.

Ayon kay Dr. Rowena Castillo ng DepEd Division of Nueva Ecija, ang lalawigan ng Nueva Ecija ay may bilang na 504 elementary schools at 95 naman ang high schools.

with reports from Percy Tabor, 101.5 BiG SOUND fm and 1188 DZXO am Newsteam

Brigada Eskwela 2011: DepEd Nueva Ecija, nanawagan sa mga barangay


May 23, 2011 | 1:00 PM

Nanawagan si Dr. Rowena Castillo, ang Division Coordinator ng “Brigada Eskwela” ng Department of Education Division of Nueva Ecija sa mga mamamayan sa bawat barangay na tumulong at sumuporta sa programang ito ng kanilang ahensiya.

Ayon kay Gng. Castillo, sa pamamagitan ng “Brigada Eskwela”, mahalagang maihanda ang mga paaralan bago ang pasukan sa June 6 upang masiguro ang maayos at malinis na kapaligiran at silid aralan para sa mga bata.

Dagdag pa niya, hindi man kaya ng ilan na tumungo sa mga paaralan upang makiisa, maaari naman daw mag donate ang sinuman ng mga gamit panlinis gaya ng walis, basahan, sabong panlaba, o kahit pintura.

Ang Brigida Eskwela ay inilunsad kanina ng DepEd Division of Nueva Ecija sa pangunguna ni Schools Superintendent Dr. Tarcilla Javier, sa Nueva Ecija High School Oval.

Ang Brigada Eskwela, na nagaganap ngayon sa may dalawampu’t siyam na DepEd Districts sa buong Nueva Ecija, gayundin sa buong bansa ay magtutuloy-tuloy hanggang sa May 28.

ulat ni Percy Tabor, 101.5 BiG SOUND fm at 1188 DZXO am

Brigada Eskwela ng DepEd, umarangkada na


May 23, 2011 | 12:00 NN

Sa pangunguna ni Schools Superintendent Tarcila Javier, inilunsad kaninang umaga ng Department of Education Division of Nueva Ecija ang taunang “Brigada Eskwela” na ginanap sa Nueva Ecija High School Oval.

Sa taya ng mga organizer, may tatlong libo ang nakiisa rito na sinimulan sa pamamagitan ng isang motorcade kaninang umaga sa Lungsod ng Cabanatuan.

Panauhing pandangal si Gng. Zita Santos, ang Human Resource Management Officer ng DepEd Region 3 office. Nakiisa sa paglulunsad na ito ang mga militar ng Armed Forces of the Philippines at mga kapulisan ng Nueva Ecija Provincial Police Office. Nagpadala rin ng kani-kanilang donasyon para sa paglilinis ang Pamahalaang Panlungsod ng Cabanatuan at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

Ang Brigada Eskwela ay ang paglilinis ng mga pampublikong eskwelahan at pagre-repair ng mga sirang upuan at iba pang gamit kung saan boluntaryong nagtutulungan ang mga non-government organizations, mga magulang, estudyante, guro, business sector, civic organizations at maging mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Kapaloob din sa programang ito ang pagdo-donate ng mga construction at cleaning material na gagamitin sa paglilinis at repair ng eskwelahan.

Tatagal ang Brigada Eskwela hanggang sa May 28.
ulat ni Percy Tabor, 101.5 BiG SOUND fm and 1188 DZXO am Newsteam

Ilang preso sa Bulacan Prov Jail, nakatapos ng pag-aaral


May 21, 2011 | 3:00 PM

Habang mainit ang usapin tungkol sa paglabas ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ng bilanggong si dating Batangas Governor Jose Leviste, ilang bilanggo naman sa Bulacan Provincial Jail ang masayang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa loob ng piitan.

Nagawang makapag-aral ng mga bilanggo sa Bulacan Prov’l Jail sa tulong ng programang Alternative Learning System o ALS, na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at Bulacan State University o BSU.

Animnapung bilanggo ang nagsipagtapos sa antas ng elementary, high school, at maging sa mga vocational course.

Ang programa ay sinimulang ipatupad noong 2007 dahil na rin sa kahilingan ng ilang bilanggo na nais maipagpatuloy ang pag-aaral sa loob ng kulungan.

Sinabi ni Dr. Mariano De Jesus, pangulo ng BSU, na handa ang kanilang unibersidad na tanggapin ang mga bilanggo na makalalaya na at nais na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

GMA NEWS

Ilang malalaking foreign investors mamuhunan sa Liquified Natural Gas Program sa Luzon at Mindanao

May 20, 2011 | 3:00 PM

INAASAHAN ng Department of Energy ang tuluyang pagsulong sa Liquified Natural Gas Program sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, ang pag-aaral ng World Bank at Japan International Cooperation Agency sa implementasyon ng programa sa Luzon at Mindanao ay magtatapos sa Setyembre.

Kasunod aniya nito ang paglalabas ng kanilang departamento sa Terms of Reference para sa gagamiting pipeline ng Liquified Natural Gas.

Dagdag pa ng kalihim, marami nang foreign developers ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Liquified Natural Gas Industry ng bansa kaya naman puspusan ang kanilang paghahanda para rito.

Ang mga investor ay nagmula sa Amerika, China, Australia, Italy, Japan at Korea.

http://www.rmn.com.ph/

Suntukang Pacman-Marquez halos plansado na


May 19, 2011 | 12:00 NN

Halos plantsado na ang suntukan nina Manny "Pacman" Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa ilalim ng Top Rank Promotions.

Ayon kay Top Rank Chief Bob Arum, nagkalinawan na sila ng Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer na sadyang mas makalansing ang offer ng promotion outfit ni Arum kaysa offer ng Golden Boy kay Marquez.

Malaki naman kasi talaga ang siguradong makukuhang danyos nitong si Marquez sa halagang 5 milllion dollars, manalo man o ma knock-out laban Pacman.

Kaugnay nito, nakatakdang talakayin nila Arum at adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, sa katapusan ng linggo ang nilalaman ng buong kontrata at makukuhang salapi ni Pacquiao.

Posibleng idaos ang maatikabong bakbakan sa November 12 o di kaya ay a-singko depende pa sa magpapagkasunduang araw.

Ito na ang ikatlong laban nina Pacquiao at Marquez. Noong 2004, tabla ang kanilang naging laban. Ang kanilang ikalawang laban ay naganap noong 2008, kung saan idineklarang panalo si Pacquiao.

Senate committee pabor sa ‘no permit no exam’ bill


May 19, 2011 | 3:00 PM

Maaaring i-adopt ng Senate committee on education, arts, and culture ang panukalang batas ng House of Representatives na nagbabawal sa mga college at university na hindi pakuhanin ng examinations ang mga estudyante nilang may utang pa sa mga bayarin.

Yan ay ayon mismo sa chairman ng komite na si Senador Edgardo Angara. Ayon sa kanya, mayroon nang batas na ipinasa ang House committee on higher and technical education noong Martes.

Ang tinatawag ding “no permit, no exam bill” ay ang pinagsama-samang anim na panukalang batas na inihain nina Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, Kabataan Party-List Rep. Raymond Palatino, Las Piñas Rep. Mark Villar, Marikina Rep. Marcelino Teodoro, at KALINGA Party-List Rep. Abigail Ferriol.

Sa opinion ni Senador Angara, pabor siya na hayaang makakuha ng examination ang mga estudyante kahit hindi pa ito bayad sa kanyang tuition sa oras ng pagsusulit. Sapat na aniya, na papirmahin sa isang promisory note ang estudyante.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons