May 16, 2011 | 3:00 PM
Ipinahayag ng Department of Education ang suporta nito sa Free Birth Registration project ng Department of Social Welfare and Development dahil ipinapakita nito ang kahalagahan ng maayos na pagdodokumento ng kapanganakan ng bata sa pag-aaral nito.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ang proyektong ito ay sumusuporta rin sa Education For All na layuning makamit ng bansa sa 2015. Aniya, binibigyang proteksyon ng Free Birth Registration project ang mga pangunahing karapatang pambata, kabilang ang pananatili nito sa paaralan.
Inenganyo ni Secretary Luistro ang mga magulang na samantalahin ang pagkakataong ito na ipatala ang kapanganakan ng kanilang mga anak ng libre.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at magtatapos May 31.
Maliban sa DepEd at DSWD, ang Free Birth Registration project ay sama-samang proyekto ng National Statistics Office at Department of Interior and Local Government.
http://www.deped.gov.ph/updates/updateslinks.asp?id=1140
0 comments:
Post a Comment