Monday, May 23

DTI nagbabala sa overpriced school supplies


May 12, 2011 | 12:00 NN

Sa gitna ng pamimili ng mga magulang ng school supply para sa papalapit na pasukan, nagbabala ang Department of Trade and Industry laban sa overpricing.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, kung may pagtataas mang mangyayari, gaya ng sa notebook at lapis, dapat ay nasa pagitan lamang ito ng 75 centavos and 2 pesos.

Maari nga raw magtaas ng hanggang dalawampiso para sa mga notebook na bago ang disenyo at mas maganda ang papel. Maliban dito, dapat tulad lamang noong nakaraang taon ang presyo.

Ayon pa kay Usec Maglaya, ang mga school supply ay na-manufacture noon lamang Marso, kung kalian tumataas ang presyo ng gasolina. Aniya, marami sa mga ibinebentang school supply ay gawa sa petrochemical products.

Dagdag pa niya, dahil ngayon na lamang bumaba ang presyo ng gasolina, maaaring makaramdam ng pagbaba na presyo sa school supplies sa susunod pang semestre.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons