May 11, 2011 | 12NN
Pinaalalahanan ngayon ng Department of Interior and Local Government ang mga local government units na ipatupad ang kautusan ng nasabing ahensiya na nagbabawal sa mga tricycle at pedicab na dumaan sa mga national road.
Sa kanyang direktiba, tinawagang pansin ni Secretary Jesse Robredo ang mga governor, mayor at sanggunian members na ipatupad nang maayos ang mga patakaran patungkol sa operasyon ng mga tricycle at pedicab sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Secretary Robredo, ang direktibang ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga driver and kanilang mga pasahero. Dagdag pa ng kalihim, nakakatanggap ng mga report ang mga regional at field office ng DILG na may mga tricycle na dumaraan pa rin sa mga national road. Aniya, ito ay paglabag sa Department Order na inilabas noon pang 2007.
Ayon pa kay Secretary Robredo, ang parehong Department Order na ito ang naglalatag ng mga panuntunan na pwedeng magamit ng mga lungsod at bayan sa pagbabalangkas ng kanilang regulatory measures para sa mga tricycle.
0 comments:
Post a Comment