Monday, May 23

DBM naglabas ng P7-billion para patatayo at pagsasaayos ng 8,997 classrooms


May 9, 2011 | 5:00 PM

Naglabas ang Department of Budget and Management ng P7-billion sa Department of Education para sa construction at repair ng 8,997 classrooms sa mga lugar kung saan kailangan ang mga ito.

Ayon kay Budget and Management Secretary Florencio Abad, ang edukasyon ay bahagi ng istratehiya ng administrasyong Aquino sa pamumuhunan sa tao upang mapalakas ang mga pagkakataon para sa kabataan na makakuha ng makabuluhang trabaho o hanap-buhay.

Ayon pa sa kalihim, ang budget ng DepEd ay itinaas ngayong 2011 sa P207.3 billion – ang pinakamalaking pagtaas sa budget ng ahensiya sa nakalipas na mahigit isang dekada. Ang pagdadagdag ng budget ay bunsod ng pangangailangan sa pagpapatayo ng classrooms, pagdagdag ng mga guro, pagbili ng mga textbooks and para sa iba pang aktibidades.

Ang target na 8,997 classrooms ay inaasahang pakikinabangan ng may 404,865 na estudyante sa buong bansa.

Sa pitong bilyong pisong inilabas ng DBM, ang nakalaan sa Region 3 ay 432.31 million pesos na gagamitin para sa construction ng 588 classrooms sa buong rehiyon. Pinakamalaki ang mapupunta sa National Capital Region na nagkakahalaga ng 1 billion pesos.
www.gov.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Walgreens Printable Coupons